ANG feeling ni Judy Ann Santos ay daig pa niya ang tumama sa lotto when she bagged the Best Actress award at Cairo International Film Festival for her role in “Mindanao”, one of the official entries sa Metro Manila Film Festival.
Hindi naka-attend si Juday ng awards night kaya laking gulat niya nang maraming mag-text sa kanya.
“Yung nagising ako kaninang umaga ng gulat na gulat at takang taka kung bakit ako kino congratulate ng napakaraming kaibigan ko sa text. Hindi naman ako buntis, hindi naman ako kasali sa SEA games. Hindi rin naman ako nanalo sa lotto. Mas higit pa pala sa lotto ang napanalunan ko!!!!
“Gusto kong isiping nananaginip lang ako. baka hindi pa ko gising siguro? in denial pa ko sa simula.. pero nung si direk Brillante Mendoza na ang nag text sa akin unti unti na kong natauhan at naiyak. Grabe! Sa malamang habang tinatawag ang pangalan ko sa Egypt..kasalukuyan kong iniiskoba ang sahig ng kusina ko sa angrydobo.
“Napakarami at napakalaki ang dapat kong ipagpasalamat sa panginoon.. hindi pa natatapos ang 2019, binusog na nya ng sobra sobra ang puso ko sa napakaraming bagong experiences ang binigay nya sa akin.
“Ibat ibang lugar ang napuntahan ko sa ibat ibang larangan ng industriyang mahal ko at patuloy kong inaaral. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat na patuloy na naniniwala at nagtitiwala sa aking munting kakayahan bilang artista at kusinera. Sa lahat ng kasama kong bumuo ng pelikulang MINDANAO para sa atin ito guyzzzz.
“@brillante_mendoza maraming salamat sa tiwala at pagtyatyaga sa akin. to my launchpad family. Malaking parte kayo ng recognition na ito. thank you for supporting me in everything that i want to do and explore.. to my little angels Yohan, Lucho and Luna if it weren’t for you guys mom would’ve had a hard time portraying my character.
“To my mom, kuya and ate.. para sa inyo to. Ny love Rye thank you for always supporting me in everything i do and love.. my heart is soooooo full!! Iba ang Pilipino! MABUHAY ANG PILIPINAS!”
‘Yan ang caption ni Juday sa kanyang IG post. Marami ang natuwa sa pagkapanalo ni Juday.