Babaeng sobrang laki ng dibdib normal na uli: Salamat sa KMJS

JESSICA SOHO

MAKALIPAS ang 20 taon, natanggal na ang napakabigat na dibdib ni Nanay Dita.

Ito’y matapos ngang maipalabas ang kanyang kuwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho ng GMA 7. Mismong ang KMJS ang gumawa ng paraan para bumalik na sa normal ang kanyang dibdib.

Ngayon ay masaya na uling namumuhay sa kanilang probinsya ni Nanay Dita at abot-langit ang pasasalamat niya sa KMJS ni Jessica Soho at sa iba pang taong nagpaabot ng kanilang tulong para maibalik sa normal ang pinoproblemang dibdib.

“Dalawampung taon ko pong dinala ‘yung mabigat kong hinaharap. Eh wala naman po kaming pera pambili ng gamot kaya ipinagdarasal ko na lang.

“Marami rin po ang nang-asar sa akin dahil sa aking kondisyon. Pero dahil sa KMJS, nakapamuhay po ako ulit nang normal. Blessing po ‘yun ni Lord sa akin.

“Ngayon po, nakakalakad na po ako kung saan-saan nang walang kumukutya sa akin,” mensahe ni Nanay Dita.

Read more...