Horoscope, Dec. 2, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Sa araw na ito at sa buong isang linggo, tuloy-tuloy ang dating ng suwerte na may kaugnayan sa salapi. Sa lovelife, habang dumadami ang pera, lalo namang sasarap ang romansa. Markahan ang 4, 13, 22, 31, 45, at 48. Gray at violet ang buenas.  Swerteng initial ang  O. at T.

Aries – (Marso 21-April 19)

         Sa araw na ito ang suwerte ay sunod-sunod ng darating higit lalo sa salapi at aspetong pangdamdamin. Ugaliing laging magpasalamat sa mga biyayang natatanggap sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa at sa mga nangangailangan upang lalo pang madagdagan ang suwerte at magagandang kapalaran. Markahan ang 5, 9, 27, 36, 42 at 44. Red at lilac ang buenas. Swerteng initial ang R. at M.

 Taurus – (April 20-May 20)

         Hindi ka dapat umasa sa iyong mga kadugo at kamag-anak. Sa sariling diskarte mas madali kang uunlad. Sa lovelife, ang pagtatampo ng kasuyo ay lilipas din at panandalian lamang. Markahan ang 6, 15, 24, 29, 32, at 43. Red at blue ang buenas. Swerteng initial ang S. at G.

Gemini – (May 21-June 21)

         Ito ang araw na sobrang pagpapalin ka ng langit. May mga suwerte na malalaki talaga at pambihira ang biglang darating ng hindi mo inaasahan. Sa lovelife, lambingin at painitin ang kasuyo upang hindi na siya magtampo. Markahan ang 2, 11, 29, 34, 39 at 43. Green at blue ang buenas. Swerteng initial ang  J. at D.

Cancer – (June 22- July 22)

       Kung may tampuhan kayo ng minamahal, resolbahin mo agad bago tuluyang mawasak ang relasyon. Sa pinansyal, malapit ng matanggap ang 13th month pay  kaya magiging masasaya ka na naman. Kung natanggap na, hindi mo naman ito dapat na agad-agad ubusin, matutong magtipid para sa nalalapit na Bagong Taon at Velentine’s day. Markahan ang 5, 14, 23, 31, 34 at 44. Beige at silver ang buenas. Swerteng initial ang  R. at S.

Leo – (July 23 – August 22)

           Habang lumalapit ang kapaskuhan, may susunod sa iyo ng susunod at hindi ka nito lulubayan. Ang susunod sa iyo ng susunod ay ang suwerte, ang malaking suwerte na hindi mo inaasahan. Sa sandaling dumating wag ka ng umarte-arte pa, sunggab ang dapat! Sa lovelife may inihahandang sopresa sa iyo ang iyong kasuyo na sa panahon ngayon ay hindi mo pa dapat malaman. Markahan ang 1, 4, 10, 19, 34 at 49. Beige at white ang buenas. Swerteng initial ang M. at E.

Virgo – (August 23 – September 22)

         Ituloy ang pagpupursege na yumaman, siguradong sa edad mong 51 pataas mararating mo rin yan. Sa lovelife, hindi dapat kontrahin ang suwestyon ng kasuyo na may kaugnayan sa pagpapalago ng kabuhayan. Markahan ang 4, 18, 27, 36, 42 at 49. Red at yellow ang buenas.  Swerteng initial ang P. at B.

Libra – (September 23-October 23)

          Produktong may kaugnayan sa pagkain ang dapat simulan. Puto-bibingka at iba pang pagkain pampasaya ngayong malapit na ang Simbang Gabi ang dapat. Sa lovelife, umiihip na ang hanging amihan, habang lumalamig ang panahon romansahin ang kasuyo. Markahan ang 6, 18, 22, 27, 34 at 43. Green at red ang buenas. Swerteng initial ang I. at S.

Scorpio – (October 24 – November 21)

         Hindi maganda ang nagagalit, lalo ka lang papangit. Sa pagigig masayahin at palangiti, maraming salapi at masarap na romansa ang aanihin. Markahan ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. Gray at silver ang buenas. Swerteng initial ang  P. at S.

Sagittarius – (November 22 – December 21)

            Sa pinansyal at pag-ibig, kapag may katuwiran – ipaglaban mo! Sa ganyang paraan, mas lalo kang uunlad, mas lalong lalago ang kabuhayan at magkakaroon ka ng mapayapang isipan. Markahan ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Beige at black ang buenas. Swerteng initial ang B. at J.

Capricorn – (December 22 – January 19)

         Nakamangmangha na nakatutulong ka sa iba, gayong ang sarili mo ay dapat mo ring tulungan. Nakikita ng nasa itaas ang kabutihan ng iyong loob, kaya naman sa malapit na hinaharap, dagdag pang suwerte at magandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Markahan ang 6, 18, 23, 27, 34, at 49. Yellow at beige ang buenas. Swerteng initial ang T. at K.

Aquarius – (January 20 – February 18)

             Malaki ang maitutulong ng isang kaibigang may bigote. Siya ang dapat mong lapitan sa suliraning may kaugnayan sa salapi. Sa lovelife, sa isang unipormadong nilalang, matatagpuan ang true love. Markahan ang 6, 14, 22, 31, 38 at 44. Lilac at Magenta ang buenas. Swerteng initial ang M. at B.

Pisces – (February 19 – March 20)

         May kalungkutang madarama. Ganyan talaga ang buhay, lahat naman tayo ay nangangailangan ng pera – makakaisip ka rin ng magandang paraan para magkapera. Sa lovelife, ang kasuyong Cancer ang tanging nilalang na magpapasaya iyo sa nalalapit na panaho ng Holiday Season. Markahan ang 8, 17, 26, 35, 43, at 48. Green at orange ang buenas. Swerteng initial ang S. at P.

Read more...