UMALMA si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sa pagdugtog ng ‘Manila’ sa pagbubukas ng Southeast Asian (SEA) Games sa Philippine Arena kahapon.
“Di po ba Philippine flag ang dala? Why would play the song Manila? Did Lapu-Lapu die for Manila? Wag po nating gawing excuse ang upbeat danceable song. Kami ang nag-imbento ng budots. Kaloko man oie,” sabi ni Duterte sa post sa kanyang Instagram account na @indaysaraduterte.
Ito’y matapos namang mag-trending ang komento ng mga netizens kaugnay ng paulit-ulit na pagtugtog ng ‘Manila’ sa SEAG.
“We should be inclusive when we want to encourage our countrymen to cheer. Yes, nega ako bakit? I am a Filipino but I dont have a drop of Tagalog blood in me. Pure Vizmin by birth and Ilocos by marriage. #bastavisayahilas add na natin ang German American for the glam,” giit pa ni Duterte.