SEA GAMES: Back-to-back gold, silver finish para sa PH women triathletes

 

SUBIC BAY BOARDWALK- Katulad ng ginawa ng men’s team, tagumpay din na naibulsa ng Philippine women triathletes ang gold at silver medals sa triathlon event ng 30th Southeast Asian Games dito.

Kinubra ni Kim Mangrobang ang kanyang ikalawang sunod na ginto sa biennial meet nang itala ang oras na 2:02:00. Sumunod sa kanya ang Filipino-American na si Kim Kilgroe (2:05:02) habang nasa ikatlong puwesto si Nethavani Octaria ng Indonesia (2:16:33).

Kinontrol ni Mangrobang ang buong karera mula gun start at naguna sa swim, bike at run stages.

Bukas, Dec. 3, gagawin ang mixed team relay.

Read more...