SUBIC, ZAMBALES- Nananatiling positibo ang Team Pilipinas matapos matalo sa Indonesia sa opening match ng 30th Southeast Asian Games beach volleyball nitong Biyernes lalo’t maikli lang ang format ng kumpetisyon.
Nais ni Dzi Gervacio at Dij Rodriguez na gawin ang kanilang game plan sa susunod na mga krusyal na laban.
Aminado ang pares na bigo silang maisakatuparan ang plano laban sa mbagsik na Indonesian pair nina Desi Ratsanari at Allysah Mutakhara na inuwi ang 21-14, 21-16 panalo sa Subic Tennis Center dito.
Pangatlong salang pa lang nila ito bilang magkakampi at unang beses na paglalaro sa isang international event.
Natalo rin sina former UAAP stars Bernadeth Pons at Sisi Rondina sa kanilang SEA Games debut matapos isuko ang 21-18, 16-21, 15-13 panalo sa Indonesian pair nina Dhita Juliana and Putu Utami.
“When we found out the tournament format since anim lang kami naglalaban laban every match counts so yun nga now that we know what adjustments to be done, alam namin na we need to win the next game,” sabi ni Gervacio.
Halatang nasorpresa sina Gervacio at Rodriguez na balanseng atake at mahigpit na net defense ng kanilang Indonesian rivals.
Sa 11 bansang kalahok, tangin ang Philippines, Indonesia, Malaysia, Thailand, Singapore at Vietnam lang ang sumali.
Dapat na maipanalo ng Filipinas ang natitirang limang laro para lumapit sa inaasam na podium finish. Matapos ang single round robin, maghaharap para sa gold medalang top two teams habang magtatapat para sa bronze medal ang third at fourth placers.
Alam ni Gervacio ang bigat na maglaro sa harap ng hometown crowd, kaya naman nais niyang palakasin pa ang koneksyon nila ni Rodriguez.
“Yung chemistry, intensity sa loob ng court,yung high pressure game ngayon lang namin na experience so yun nga sabi ko sa kanya sa sarili nain alam namin kaya namin I think is just a mental toughness,” dagdag niya.