Marami ang nagtatanong kung tatanggalan ng korona si Franxia Garcia, a.k.a. Kim Chiu, ang nanalong Super Sireyna sa pakontes ng Eat Bulaga.
Ito ay matapos kumalat sa social networking sites ang larawan diumano ng hitad na hubo’t hubad. Hindi naman mawari kung totoong si Francine iyon o isa lang itong ka-look-alike niya.
O baka naman peke lamang ang photo at ipinatong lang ang kanyang mukha. Wala pa ring statement ang hitad tungkol sa controversial nude photos. Parang ayaw nitong patulan ang chismis na hindi kagandahan sa kanya.
Maging ang Eat Bulaga ay wala pa ring official statement habang isinusulat namin ang column na ito. Baka naman meron pang imbestigasyon na nangyayari.
Ang tanong, sino ang nag-upload ng controversial nude photos? Parang ang laki kasi ng galit niya sa nanalo sa Super Sireyna para gawin niya ito.
( Photo credit to Google )