NANAWAGAN ang EcoWaste Coalition sa mga manonood sa iba’t ibang laro ng Southeast Asian Games na iwasan ang pagkakalat.
Sa opisyal na pagbubukas ng ika-30 SEAG sa Philippine Arena sa Bulacan, iginiit ng EcoWaste ang kahalagahan na mapanatiling malinis ang lugar gayundin sa iba pang lugar na pagdarausan ng event.
“As host country for the biennial sporting event, let us show our esteemed guests and our own people that we care for our environment,” ani Jove Benosa, Zero Waste Campaigner. “Not leaving any trash at the sports venues is a simple act that we can do to make the SEAG an eco-friendly experience for competitors and spectators alike.”
Makabubuti rin umano kung magbabaon ng tubig at hindi aasa sa pagbili ng PET bottles at paggamit ng single-use plastic na daragdag lang sa basura.
Ibulsa na lamang umano ang mga maliliit na kalat gaya ng balat ng kendi at huwag itapon kung saan-saan ang chewing gum.
Iwasan din umano ang paninigarilyo, paggamit ng e-cigarette at pagdura kung saan-saan.
“If a venue lacks a good system for managing waste, we request the public to consider bringing their discards home for proper recycling or disposal,” apyo pa ni Benosa. “Let’s cheer for all the SEAG athletes and go for gold in terms of spotless venues and reduced garbage and pollution throughout the games.”