SEAG babasain ng bagyong Tisoy

LALO pang lumakas ang bagyong may international name na Kammuri habang papalapit sa bansa.

Pero maliit na umano ang tyansa na maging supertyphoon ang bagyo bago mag-landfall dahil sa malamig na hanging Amihan, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Inaasahang maaapektuhan ng bagyo na tatawaging Tisoy ang pagdaraos ng ika-30 Southeast Asian Games na opisyal na magbubukas sa Sabado.

Sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo na posibleng mag-landfall sa Bicol Region.

Ngayong araw ang bagyo ay nasa layong 1,470 kilometro sa silangan ng Southern Luzon.

Umaabot sa 140 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin nito at may pagbugsong umaabot sa 170 kilometro bawat oras.

Read more...