NGAYONG araw na magaganap ang grand coronation ng 2019 Miss Silka Philippines kung saan maglalaban-laban ang 26 kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Gamit ang #selfcare, rumampa isa-isa ang mga nakapasok sa tinaguriang beauty pageant for the most beautiful and empowered Filipinas, sa ginanap na press presentation kamakailan which was hosted by DJ Jhai Ho. Dito nagpatalbugan agad sa pagsagot ang mga kandidata sa mga tanong ng ilang members ng entertainment media.
Miss Silka Philippines 2019 is one of the most awaited national pageants in the country, this serves as an avenue to celebrate diversity among Filipina women by providing regional and cultural representation nationally. Dito maghaharap-harap ang mga title holders sa iba’t ibang bahagi ng bansa kung saan ginanap ang sunud-sunod na regional Miss Silka pageants this year.
In fairness, magaganda at matatalino rin ang batch 2019 at halos lahat ng natanong sa presscon ay palaban sa kanilang mga sagot, lalo na si Miss Baguio na feeling namin ay napakalakas ng laban dahil bukod sa maganda at seksi na ay matalino pa. Artistahin na ang kanyang aura at umamin ding pangarap talaga niya ang makapasok sa showbiz in the future.
Karamihan din sa mga kandidata ay gustong makatrabaho sina Daniel Padilla at James Reid sakaling mabigyan ng chance na maging artista after ng journey nila sa Miss Silka. Nagkakaisa isa sa pagsasabing marami silang matututunan kapag nakasama nila sa isang project ang dalawang Kapamilya stars.
Ayon naman kay Eunice de Belen, Silka Senior Manager, bukod sa beauty and glamor, the pageant aims to serve as an inspiration to all Pinay to value self-care o ang tamang pag-aalaga sa sarili, “We want to focus on and remove the stigma from self-love, self-care and independence. We want all Filipinas to know that self-care is essential. It is not about being wrapped up in oneself, as it strengthens and enable us to fully support and take care of others.”
“After all we cannot give what we do not have. Caring, alaga has to start from oneself. Once you do that, you’ll see how much more you can give alaga to others,” sey pa ni De Belen.
Magaganap ang Miss Silka Coronation Night sa Market! Market! Activity Center sa Taguig ngayong 4 p.m. at open ito sa publiko for free! Mag-uuwi ng P150,000 cash and exciting products ang tatanghaling Miss Silka 2019. Bukod diyan tatanggap din ng P100,000 ang kanyang chosen charity. Other winners are: Miss Silka 1st Runner-Up (P100,000); 2nd Runner-Up (P70,000); at 3rd Runner Up (P50,000).
Ang singer-actress na si Yanah Laurel at ang radio DJ na si Sean Kyle ang magiging hosts ng event. Magkakaroon din ng special participation ang award-winning actress na si Angelica Panganiban, ang bagong mukha ng Silka Green Papaya soap.