Hiling ng beking celeb pinagbigyan ni male singer para tumigil sa pagsusugal

INLABEY na inlabey ang isang kilalang becking personality sa isang male singer na kasamahan niya sa trabaho.

Talagang kakaibang kaligayahan ang nararamdaman ng becking komedyante kapag nakikita niya ang male singer.

Ramdam ng kanilang mga kaibigan na sobrang mahal ng becki ang male singer, kaya ang mga ito ang gumawa ng paraang maging close sila, sobra-sobra ang kaligayahan ng becking komedyante.

Kuwento ng aming source, “Malungkot kasi si ____ (pangalan ng becking komedyante), nagpapasaya siya ng audience, pero deep inside, e, malungkot siya, marami siyang pinagdadaanan. “Sinasabi niya sa mga kasamahan niyang komedyante na kapag naging sila na nu’ng male singer, e, magpapakabait na siya. Meaning, hindi na siya magsusugal, ‘yun lang naman ang bisyo niya.

“Hindi siya nagda-drugs, naglalaro lang siya ng e-Games, kasi nga, e, malungkot siya,” simulang chika ng aming source.

Dahil du’n ay pinayuhan ng kanyang mga katrabaho ang male singer na huwag naman sana nitong iniiwasan ang becking komedyante, makisabay na lang sana ito sa agos, para lumigaya ang becking komedyante.

Patuloy ng aming source, “Pumayag naman ‘yung singer, naging mabait naman siya sa becki, hindi na niya iniiwasan. Masayang-masaya ang mga friends ng becki, kasi nga, mukhang hindi na nagsusugal ang kaibigan nila!

“Nakatutok na siya sa work niya, pagkatapos niyang magtrabaho, uuwi na siya. Maganda ang nagawa sa kanya ng pagiging close nila ng male singer. “Kaya lang, e, may reklamo ang male singer, babaeng-babae raw naman kasi ang feeling nu’ng becki, humahawak-hawak sa braso niya kahit maraming tao, ayaw niya ng ganu’n!

“Kumbaga, nakikipag-close na nga siya sa becki, hindi na nga siya umiiwas, pero sana naman daw, e, huwag yumayakap-yakap sa kanya! Hindi pa rin tanggap ng male singer ang ganu’n! “Pinagbigyan lang naman kasi niya ang request ng mga kaibigan ng becki na huwag siyang umiiwas! Pero umo-OA naman ang bakla!

“Nakakaloka ang becking ‘yun, pinagbigyan ng nga siya ng kasamahan nilang male singer sa comedy bar, pero nagpi-feeling babae naman siya!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante. Napakadaling hulaan kung sino ang becki personality na ito, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, napakadali! Ate ang tawag ng lahat sa kanya, ‘yun lang wala nang iba. Ha! Ha! Ha! Ha!

Read more...