Marian, Gabby magtatambal sa Kapuso serye na ‘First Yaya’

MARIAN RIVERA

SA kauna-unahang pagkakataon, magsasama sa isang Kapuso teleserye sina Marian Rivera at Gabby Concepcion. Makalipas nga ang halos tatlong taon, babalik na sa primetime ang reyna ng GMA 7.

Kamakailan, nakipag-meeting na sa creative and production team ng GMA ang Kapuso Primetime Queen para sa kanyang bagong programa, ang family romantic drama na First Yaya. Mismong ang senior program manager ng network na si Ali Nokom-Dedicatoria, ang nag-post ng litrato ng picture nila nina Marian sa kanyang Instagram account.

Caption niya sa kanyang IG post, “Meeting with Marian for her new project, First Yaya!” Naroon din executive producer na si Joy Lumboy-Pili, writer-director Jojo Nones at ang mga manager ni Marian sa Triple A na sina Mike Tuviera at Rams David.

Bago ang nasabing announcement, nauna nang nakipag-meeting si Gabby sa production team ng First Yaya. Wala pang ibang detalye na inilalabas ang GMA tungkol sa serye at kung anu-ano ang magiging role nina Marian at Gabby. Pero ngayon pa lang ay na-excite na ang kani-kanilang fans and supporters sa proyektong ito. Nangako sila na talagang susuportahan ang First Yaya kapag nagsimula na itong umere.

Read more...