Arnold Clavio hindi keri lumebel sa show ng 3 Tulfo Brothers

AMINADO si Arnold Clavio na hindi niya carry na mag-host ng katulad na show ng mga Tulfo.

“Ibigay na natin sa iba,” he quipped when asked kung kaya niya ang ginagawang sumbungan show ng Tulfo brothers.

Kahit na maganda naman ang paliwanag ni Arnold ay na-bash siya sa isang Facebook account.

“Magmumukha lang trying hard. Yung concept ng ibang channel pag ginawa nila walang originality maski na maganda pa layunin.”

“Hahaha! walang makagagaya sa tulfo brothers kahit sino man sa inyo malayong malayo na ang nararating ng mga tulfo brothers wala sa bukabolaryo nyong magagaya sila mahiya kayo, d bagay sa iyo.”

“Hind babagay sa kanya sa totoo lang. Mas ok pa rin sya sa news anchor.”

“Hindi siguro kayang magmura on air. Mag-aral ka muna magmura sa TV dahil isa yan sa mga hinangaan ng mga followers nya.”

Read more...