SUNOG na sunog si Mocha Something sa bagong paandar ni Ethel Booba sa Twitter.
Ipinost ni Ethel ang dalawang photos, ‘yung isa tatlong toilet bowls sa PNR na kuha sa blog ni Mocha at ‘yung isa naman ay dalawang toilet bowls sa Rizal Memorial Stadium.
“Cyst @MochaUson delete mo baka mapahiya tayo sa mga utak talangka. Charot!” caption ni Ethel sa photo.
With that ay lait na walang patumangga ang inabot ni Mocha sa followers ni Ethel.
“Bilis ng karma no? Kung kasama pabobohan sa Sea Games Pinoy pride yang sina Mocha Uson sa dami ng nahakot na gold medals.”
“So anu na @MochaUson jusko teh malapit na mag year 2020 ung utak mo teh. Hanggang ngayun pangtanga pa din.”
“Ngayon ginagamit nyong mga DDS na under renovation pa at wala pang divider ang toilets. Kinuhanan ng media para mag draw ng ibang reaction sa mga tao. Eh anong pinagkaiba sa binabato niyo sa past administration na tabi tabing toilets din? Double standards lang?”
“Irrelevant na si Mocha ngayon. Slowly fading na ang hypnotismo sa mga tao. Sinong di matatakot sa lindol, sa nangyari sa Tulfo justice at sa susunod pa na pwedeng balikan ng karma. #kidding.”
“Cyst, magaling naman si @MochaUson sa Dalawahan-in all forms. Parang mainit ang usapang #SEAGames pero di naman gaanong mainit. Pero medyo mainit na hindi naman. LOLS.”