Dasal ni Vice Ganda: Lord sana’y habang buhay kong makasama si Ion, mahal na mahal ko siya…

VICE GANDA AT ION PEREZ

HASHTAG #KiligPaMore ang drama ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa ipinost niyang birthday greeting sa Instagram para sa boyfriend na si Ion Perez.

Pinusuan ng libu-libong netizens at ikinilig din ng LGBT community ang mensahe ng TV host-comedian para kay Ion kung saan inisa-isa pa nito ang dahilan kung bakit mahal na mahal niya ang boyfriend.

“Ang tagal ko ding naging malungkot habang nagpapasaya.

“Ang tagal ko ding lihim na umiiyak habang nagpapatawa.

“Ang tagal kong ininda yung mga sakit na pinagdaanan ko.

“Hanggang nakilala ko sya. Lahat biglang nagbago.

“Sinagip nya ko bago ko tuluyang malunod.

“Binura nya lahat ng hinanakit.

“Naging matamis yung dating ubod ng pait,” parang tulang lahad ni Vice.

Bukod dito, sinabi rin ng It’s Showtime host na ibang-iba ang binata sa mga lalaking nakarelasyon niya noon, “Sya lang yung may tapang na mahalin ako at ipagmalaki ito.

“Sya lang yung may boses na ipagsigawan ang pangalan ko.

“Sya lang yung may kamay na humawak sakin kahit may ibang nakatingin. Sya lang yung yumakap sakin na di nagtatago sa dilim.

“Sya yung minahal ko na di nahiyang mahalin din ako.”

“Kaya panalangin ko po Lord protektahan nyo po sya sa anumang pwedeng makapanakit sa kanya.

“Nawa po’y lagi syang nakangiti at masaya. Sana po ipahintulot nyong habang buhay ko syang makasama.

“Kasi po mahal na mahal ko sya. #HappyBirthdayIon
@pereziion27!”

Isang taon na ngayon ang relasyon nina Vice at Ion na nagsimula sa Showtime. Maraming bumilib sa dalawa dahil sa tapang nilang umamin sa harap ng madlang pipol kahit alam nilang maraming kokontra at mangnenega.

Sabi nmga ni Vice sa ginawa nilang pag-amin, “It’s liberating. Mas masarap kumilos, hindi nakakangawit, wala kang iniisip. Mas ne-enjoy namin yung buhay.”

Samantala, nag-post din ang magdyowa ng litrato sa kanilang Instagram Stories habang sakay sa eroplano. Balitang patungo silang Japan para magbakasyon.

Read more...