HOROSCOPE July 31, 2013 | Bandera

HOROSCOPE July 31, 2013

Madam Sophia |July 31,2013
facebook
share this

HOROSCOPE July 31, 2013

Madam Sophia - July 31, 2013 - 07:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Katapusan ngayon, pero para sa iyo ito ang simula ng bagong buhay. Sa pagbabagong diskarte sa aspetong pang-pinansiyal, kung uumpisahan mo nang mag-ipon ngayon mas madali kang uunlad. Sa pag-ibig, bagong kasuyo na isinilang sa sign na Aries ang dapat. Mapalad ang 5, 8, 23, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Beeja-Om.” Yellow  at lilac ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Ang lahat ng mga suliranin nitong nagdaang buwan ay agad na lilipas. Sa pag-ibig, mainit na romansa ang malalasap. Sa pinansyal, dagdag na kita ang makakamit. Mapalad ang 3, 12, 21, 33, 32 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Pink at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Wag masyadong magtiwala sa mga kaibigan, may babala na maloloko ka na naman! Sa pinansyal at pag-ibig, isang Virgo ang makakatulong sa iyo upang lumigaya at umunlad. Mapalad ang 6, 9, 18, 22, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Nama-Om.”  Violet at blue ang buenas.
Gemini  (May 21-June 21)—May paglalakbay na magaganap! Pagkakataon nang iplano ang mga pangarap sa buhay sa tahimik at malayong lugar. Sa pagbalangkas ng pangarap, isama ang matagal mo nang pangarap na house and lot.  Mapalad ang 5, 14, 23, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dhuvina-Minna-Om.” Beige at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Hindi mo ba naiisip kaya mo ring paunlarin ang sariling kabuhayan? Magsimula ka na ngayon! Ipunin nang ipunin ang kinikitang pera sa halip na lustayin sa walang kapararakang bagay. Para madali ka makaipon, ipatago ito sa kasuyong Capricorn. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sarva-Dushta-Om.” Green at magenta ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Sa hindi inaasahang pagkakataon bigla kang susuwertehin. Pera at masayang pag-ibig ang darating. Kapag hawak mo na ang tagumpay, laging magpasalamat kay Lord upang hindi ka na hiwalayan ng magandang kapalaran. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Yellow at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—May kanya-kanyang suwerte ang buhay! Sa pagpasok ng buwan ng Agosto, darating na ang suwerte mo sa pag-ibig at sa salapi. Kapag naging masagana ang buhay, magtipid upang hindi mawaldas ang pinaghirapan. Mapalad ang 2, 14, 20, 29, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yoti-Bhama-Om!” Gold at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Wag mangako kung hindi naman kayang tuparin! Lumalabas kasing nagmamayabang ka lang. Sa pag-ibig at pinansyal, panatiliin ang pagpapakumbaba, upang mas madali yumaman at lumigaya. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Bhakti-Yoga-Om.” Yellow at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Umiwas sa mga taong bolero at maraming kuwento. May babala na muli ka na namang ma-racket at maloko. Sa pag-ibig, sundin ang mungkahi ng kasuyo upang maingatan ang kakaunti n’yo na lang na savings. Mapalad ang 7, 16, 25, 29, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Om-Yama.” Beige at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag magtanga-tangahan, matalino ka naman, bakit hindi mo paunlarin ang iyong buhay? Mula ngayon, puro pera ang isaisip, makikita mo paglipas ng anim na taon, mayamang-mayamang ka na. Mapalad ang 8, 18, 24, 33, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Harum-Harim-Aum.”  Blue at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—  Sa pinansiyal, sa pamamagitan ng diplomasya ay lalong aangat at lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipagrelasyon sa isang mabait at uto-utong Cancer.  Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Narada-Nirayana-Om.” Yellow at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Lumayo ka sa mga taong malas, mahawahan ka lang nila. Magdidikit sa mga taong maraming salapi, dadami rin ang iyong pera. Sa pag-ibig, wag kukuha ng kasuyo na may history ng broken relationship, magkakahiwalay din kayo. Mapalad ang 8, 17, 26, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Rhata-Om.” Silver at maroon ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Ipakita ang mabuting kalooban sa mga kamag-anak dahil sa bandang huli sila rin ang tutulong sa iyo. Kung magiging makasarili, hindi ka masyadong uunlad. Sa pag-ibig, magbigay ng kaunting tulong sa mga charitable institution. Sa ganyang paraan mas madali kang yayaman at liligaya.  Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green at peach ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending