“HINDI ako naniniwala sa mood swings!” Ito ang pahayag ng Kapamilya young actress na si Maymay Entrata patungkol sa pagiging positibo sa lahat ng bagay.
Ilang taon pa lang ang dalaga sa showbiz industry pero nakagawa na agad siya ng sarili niyang marka, kasabay din ng pagsikat ng loveteam nila ni Edward Barber.
Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ni Maymay sa maikling panahon niya sa industriya, napakarami na niyang natutunan lalo na pagdating sa pakikisama sa kanyang kapwa at pagiging humble sa kabila ng tagumpay.
“Para sa akin kasi habang tumatagal ako dito sa showbiz, dapat hindi mo lang i-embrace yung success mo, pati yung failures din kasi du’n tayo natututo, dun tayo naggo-grow, du’n din tayo nag-ma-mature.
“Proud na proud ako sa sarili ko kasi feeling ko sa kabila ng mga pagsubok na dumaraan, mas pinili kong mag-go forward kesa mag-doubt ako na wala namang magandang mapupuntahan,” pahayag ng dalaga.
Aniya pa, hindi lang ang success ang pinanghahawakan niya sa kanyang journey bilang artista kundi pati ang failures na mas nagpapatatag sa kanya bilang tao.
“Para sa akin kasi proseso siya eh, hindi yung parang inisip mo isang click lang okay ka na. Hindi yung parang kailangan mo talaga siya pagdaanan para matuto ka. Kasi para sa akin habang tumatagal pag-grow up sa showbiz, hindi ko lang ini-embrace yung mga success ko, pati din yung mga failures ko dahil du’n ako natututo sa experience na yun, du’n ako nag-go-grow.
“Du’n ako nagma-mature sa kung sino ako at du’n ako mas nagiging malakas. At mas masasabi mo sa sarili mo na proud ka dahil mas pinili mo mag-go forward kesa mag-doubt ka sa sarili mong kakayahan,” pahayag pa ni Maymay sa nasabing panayam.
Isa sa mga hinahangaan ng MayWard fans sa dalaga ay ang kanyang pagiging positive thinker, hindi siya basta-basta nagpapaapekto sa mga kanegahan.
“Hindi ako naniniwala sa mood swings. Kasi feeling ko choice nila yung magalit, hindi ko alam parang pansin. Ha-hahaah! Sorry ha, natamaan yung iba. Ako kasi yung tao na pag may ginagawa akong malaking bagay, binibigay ko lahat 100%.
“Pero siyempre kapag meron ka minsan nagdadalawang isip ka, minsan yung confidence mo mas nagiging mahina. Mas piliin ko talaga maging positibo kesa maging negatibo ka kasi pag naging negatibo ka, kakainin lahat ng mga gagawin mo or yung mga plano mo sisirain niya. Pero pag maging positibo ka, moving forward ka lang. Siguro yun lang. Pinili ko lang. Ang choice ko lang maging positibo,” pagtatapos ng soulmate ni Edward.