ETHEL Booba took a clear swipe sa nangyayaring controversy sa Southeast Asian Games 2019.
“Awit sa KikSiLog. C Games dapat hindi Sea Games. C for Corruption. Charot!” tweet niya recently.
It was a big hit to her followers who reacted sarcastically.
“Very true! Sobrang proud kami sa bayan natin. World class ang mga tourist spots, super friendly ang mga tao, except sa mga dimunyung mga pulitiko at mambabatas natin na salot sa mundo. Puro galing sa nakaw ang ipinalalamon sa pamilya nilang korap din.”
“Pwede naman sila sigurong magluto ng masarap na pagkain dun sa Cauldron na pinagtatalunan nila para at least may pakinabang.”
“Inuulam pala ang kikiam? Snack lang yan di ba? With sauce. Ahuhu.”
“Dapat after Sea Games immediate impeachment ang ihain kay Peter Cayetano at lahat ng organizers ng Sea Games.
Nakakahiya! Sobrang nakakahiya ang treatment ng Pilipinas sa mga international athletes. They don’t deserve it. Cayetano buti nakakatulog ka pa sa gabi.”
Reacting to the recent controversy hounding the Southeast Asian Games which is being handled by Peter Allan Cayetano, the boss of the Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), singer and poet Dong Abay posted tweets na sobrang tapang.
“Kikiam? Matutuwa pa siguro ang mga atleta kung binigyan nyo ng saging na saba. #powerfood.”
“Sa Pilipinas, ang ibig sabihin ng Palakasan ay hindi Sports kundi Nepotismo.”
“Sa kahit na anong palaro, kung hindi ka ‘sports’, ikaw ay mandaraya. Parang Philippine Sports ‘Komisyon’ lang.”
“Kakahiya talaga ang bansa sa mga atleta kasi ang mga namumuno ay mga walanghiya. Tiyak yung medalya sa SEAG gawang Recto.”
‘Yan ang nakakalokang tweets ni Dong na obviously pissed off sa mga kapalpakan sa hosting ng bansa sa SEA Games.
Ano kaya ang masasabi ni Speaker Allan Peter Cayetano sa mga pasabog na tweet ni Dong Abay? Bukas ang pahinang ito sa kanyang side.
Meanwhile, even TV reporter Raffy Tima complained sa kapalpakan sa SEA Games.
On his Instagram account, Raffy posted an ID na ang nakalagay ay Mariz Tima, press journalist, GMA Network with this caption: “Hello Phisgoc, kaninong ID po ito? Sa akin o kay @marizumali? Asking for a friend. P.S. Sana po papasukin niyo pa rin kami para mag-cover. #SEAGames2019.”
Ang daming naloka sa ID blunder na iyon. Imagine picture ni Raffy ang nasa ID pero name ni Mariz ang nakasulat?!
“OMG! Sobra talagang nakakahiya.”
“Nakaka stress… hindi man lang nagtaka na Mariz ung name pero lalake ung nasa picture.”
“Ay baka all access id pass niyo na yan Sir ni Ms Mariz. 2-in-1 ID para tipid sa printing at isahan nalang accreditation.”