Maine kumasa sa hamon ng GMA: Pumayag maging balerina sa ‘Daig kayo ng lola ko’

MAINE MENDOZA

MAGPAPASIKLAB si Maine Mendoza bilang ballet dancer sa Christmas special ng Kapuso Sunday program na Daig Kayo Ng Lola Ko.

In full ballet costume ang ibinalandra ni Meng sa kanyang social media account nitong nakaraang araw. Isa siyang ballerina sa show na ang title ay “Christmas Carol.”

“On point! Meet Carol this December on Daig Kayo ng Lola Ko,” caption ni Meng sa litratong ipinost niya sa Twitter habang naka-ballerina pose.

Ito ang third time na aapir ang Phenomenal Star sa weekly magical anthology ng GMA.

Ginampanan niya sa mga unang episode na nagawa niya sa DKNLK ang mga character na Osang Tsismosa at Laura Patola.

Bumilib naman ang ilang celebrities sa pasiklab na ito ng Dubsmash Queen gaya nina Angelika dela Cruz, Pauleen Luna-Sotto, Ruby Rodriguez, Liz Uy, Cristine Babao, Ryan Agoncillo at iba pa.

Read more...