P1.2M ari-arian natupok sa sunog sa Makati City

UMABOT sa P1.2 milyong halaga ng mga ari-arian nag naabo matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Makati City, kaninang umaga, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa isang ulat, sinabi ng BFP na tinatayang 26  na mga kabahayan ang natupok sa JP Rizal kanto ng  Varona streets, Barangay Tejeros.

Idinagdag ng BFP na 72 pamilya ang apektado ng sunog.

Sinabi ng mga opisyal na wala namang nasaktan sa sunog.

Nagsimula ang apoy sa isang kuwarto ng isang residente.

Umabot sa ika-apat na alarma ang apoy na nagsimula gabap na alas-8:03 ng umaga at idineklarang naapula na ganap na alas-10 ng umaga, ayon sa BFP.

Read more...