Horoscope, Nov. 27, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Tumatanda ka na, hindi mo ba napapansin? Iukol ang bawat araw ng iyong buhay upang paglaanan ang pagyaman. Sa lovelife, ipalasap na ngayon sa kasuyo ang pinakamasarap na romansa – kapag nawala ka, sino na ang magpapainit ng kanyang katawan? Markahan ang 4, 15, 23, 33, 40 at 44. Purple at pink ang buenas. Suwerte sa initial na C. at L.
Aries – (Marso 21-April 19)— Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan magisip ng dagdag na pagkakakitaan. Malaking halaga ang kikitain sa produktong may kaugnayan prutas, pagkain at laruang pam-pasko. Sa lovelife, gamitin ang kasuyo upang madagdagan ang kinikita. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 41 at 47. Blue at silver ang buenas. Suwerte sa initial na E. at K.
Taurus – (April 20-May 20)—Wag kang magpa-alipin sa kasuyo. Ipakita at ipadama mo na mas magaling ka kaysa sa kanya. Sa ganyang paraan higit na mas magiging maligaya ang inyong relasyon. Sa pinansiyal, dagdag na negosyong may kaugnayan sa likido at pagkain ang ipatupad. Markahan ang 4, 19, 25, 36, 45 at 49. Red at white ang buenas. Suwerte sa initial na T. at M.
Gemini – (May 21-June 21)—Simple lang ang sikreto ng pagyaman. Mag-tabi muna ng savings o ipon, bago gumasta. Sa lovelife, yayain ang kasuyo na mag-bukas ng shared account na hindi gagastusin kahit ano ang mangyari at puwede din naming mag-invest sa stock market. Markahan ang 1, 4, 10, 38, 33, at 47. Yellow at orange ang buenas. Suwerte sa initial na N. at J.

Cancer – (June 22- July 22)—Sa pagiging negatibo maraming oportyunidad ng pagkakaperahan ang mawawala. Sa pag-ibig, kung lagi kang nag-iisip ng hindi maganda, paano makakasumpong ng tunay na ligaya? Pairalin ang uraling pagiging positibo, upang umunlad at lumigaya. Markahan ang 3, 9, 30, 33, 41 at 48. Blue at red ang buenas. Suwerte sa initial na J. at O.
Leo – (July 23 – August 22)— Narinig ng langit ang iyong dalangin at ang dalangin mo ay ipagkakaloob na. Matutupad mo na rin ang matagal mo nang pinapangarap na yumaman at ito ay mangyayari ng paunti-unti mula sa susunod na taong 2020. Sa lovelife, sa isang paglalakbay may lihim ngunit bago at masarap na relasyong mabubuo. Markahan ang 1, 5, 19, 23, 43, at 48. Blue at silver ang buenas. Suwerte sa initial na I. at M.
Virgo – (August 23 – September 22)—Panatiliin ang kapayapaan ng kalooban! Iwasan ang pakikipag-away. Sa payapang isip mas maraming biyaya ang darating. Sa lovelife, matatagpuan ang true love sa isang Cancer. Markahan ang 6, 18, 22, 34, 41, at 45. Lilac at Purple ang buenas. Suwerte sa initial na M. at T.
Libra – (September 23-October 23)—Sa pinansiyal, sayang ang suwerte at malaking kinikita mo, kung hindi ka matututong mag-ipon. Sa lovelife, yayain ang kasuyo, i-drowing ninyong dalawa sa malinis na papel ang pangarap na house and lot at idikit sa dingding upang madali itong matupad. Markahan ang 6, 18, 21, 27, 34, at 48. Lilac at violet ang buenas. Suwerte sa initial na G. at Y.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Sa araw na ito darating na ang pinakahihintay. Isang magandang balita ang matatanggap, na magdadala sa iyo sa pangingibang bansa. Sa lovelife, mananatiling naghihintay ang puso sa isang relasyong hindi naman mangyayari. Markahan ang 3, 9, 18, 21, 30, at 45. Blue at magenta ang buenas. Suwerte sa initial na B. at W.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Maikli lang ang buhay, kaya hindi dapat maghinanakit sa kapwa. Sa darating na kapaskuhan batiin ang mga dating naka-alitan upang mas maging magaang ang iyong kalooban. Sa pinansyal, kapag may galak at ngiti ang iyong puso kusang darating ang maraming pera. Markahan ang 6, 12, 27, 32, 40 at 45. Pink at red ang buenas. Suwerte sa initial na C. at S.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Tuloy ang dating ng magagandang kapalaran, bastat hindi mo inaapi ang iyong kapwa. Sa pinansyal, lalong lalaki ang kita basta’t ituloy mo lang ang mga lihim na ginagawa mong pagtulong. Sa pag-ibig, nagtatampo ang kasuyo ilibre mo siya ng pagkaing malamig, tunaw at matamis. Markahan ang 2, 7, 16, 25, 34, at 49. Orange at black ang buenas. Suwerte sa initial na O at R.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Wag mag-alala, nasa mabuting kalagayan ang minamahal. Imbis na guluhin ang isip sa pag-aalala at pagkabahala, mag-concentrate sa mga bagay na pagkakakitaan. Markahan ang 6, 15, 21, 29, 33 at 45. Red at blue ang buenas. Suwerte sa initial na S. at T.
Pisces – (February 19 – March 20)—Matutong magpasalamat sa bawat biyayang natatangap. Sa lovelife, bigyan ng matamis na halik ang minamahal. Sa pinansiyal, iwasang maging gastador, kahit maliit ang kinikita, pilitin mo pa ring mag-ipon para sa future ng pamilya at para sa iyong pagtanda. Markahan ang 4, 13, 17, 38, 40 at 44. Black at beige ang buenas. Suwerte sa initial na D. at G.

Read more...