Coco babaeng-babae sa pink OOTD; gumiling-giling sa mall

JENNYLYN MERCADO AT COCO MARTIN

NASA social media na ang trailer ng 2019 MMFF movie ni Coco Martin na “3POL TROBOL: Huli Ka Balbon” directed by the actor himself.

Halatang ginastusan nang husto ang movie mula sa napakalaking cast, mga pasabog, magagarang bahay na ginamit at locations. The movie is action-comedy at talaga namang nakakatawa ang ilang mga eksena lalo na ‘yung hinalikan ni Coco si Jennylyn Mercado.

Hitik din sa action scenes ang movie at nakakaloka ang mga action routines na ginawa ni Coco. Pero ang mas nakakaloka ay nagbihis-babae na naman si Coco na nauna nang naging girl sa ilang eksena niya sa FPJ’s Ang Probinsiyano.

Grabe, babaeng-babae talaga ang hitsura niya. Believable siya bilang girl. He gave justice to his pink outfit. Nakita rin namin sa Facebook ang blockbuster promo ni Coco sa isang mall. Grabe ang tilian ng mga tao when he sang

“Katawan.” Kasabay nito ang paggiling-giling niya na talagang ikinatuwa ng audience.
q q q
Umani ng papuri si Jona sa kanyang ASAP Rome performance.
We’ve seen the video of her singing “Queen of the Night” and she totally nailed it. She was extremely good at her rendition. Lahat napahanga niya with her operatic touch on the song.
Not surprisingly, nag-trending topic si Jonas a Twitter last Sunday. Talagang pinag-usapan sa social media ang kanyang world class performance. On her social media account, labis-labis ang pasasalamat ni Jona.
“Hi guys. Maraming salamat sa messages of appreciation niyo sa naaaapakahirap na Magic Flute. Far from perfect i know but there’s nothing wrong with trying and being fearless. Kapit lang, may RVA X BQ pa. Love you so much!! Lalo na sa Team Jona. #ASAPNatinToROME.”
That was her message to her fans. Ang daming humanga sa number na iyon ni Jona.

Read more...