Maine buwis-buhay ang ginawang action scenes sa 2019 MMFF entry ni Bossing Vic

MAINE MENDOZA

IKINAKASA na ngayon pa lang ng mga fans ni Maine Mendoza dito sa Pilipinas at sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang mga pa-block screenings para sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na “Mission Unstapabol: The Don Identity.”

Muling makakasama ni Maine ang kanyang tatay-tatayan sa showbiz na si Bossing Vic Sotto sa nasabing filmfest movie.

Nang inilabas ang full trailer ng pelikula, klik na klik agad sa manonood ang pagbanggit ni Meng sa pangalan ng kanyang character, “Donna…Donna Cruz!”

Tapos, ginamit pang theme song sa trailer ang hit song ni Donna na “Kapag Tumumbok Ang Puso” kaya aliw na aliw ang mga netizens, lalo na ang mga loyal supporters ni Donna Cruz.

At dahil nga rito, trending na naman sa Twitter kahapon ang hashtag na #MaineAsDonnaCruz, huh!

Siyempre, excited na ang fans na mapanood si Maine hindi lang sa mga nakakatawang eksena niya sa “Mission Unstapabol: The Don Identity” kundi pati na rin sa mga ginawa niyang action at fight scenes, lalo na ‘yung nakasakay siya sa motorsiklo.

Balita pa nga ng kanyang mga tagasuporta ay may buwis-buhay na underwater scenes pa ang kanilang idolo sa pelikula, huh!

Read more...