PNP: Droga talamak pa rin sa NCR, 4 pang rehiyon

INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na talamak pa rin ang droga sa lima pang rehiyon, kabilang na ang Metro Manila.

Sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na prayoridad ang mga naturang rehiyon sa pagtanggap ng 2,700 body camera na nais ipamahagi sa 2020 para magamit ng mga pulis na mga magsasagawa ng operasyon.

“Bibigyan ng prioridad ang mga lugar na mataas pa rin ang presence ng ilegal na droga, kabilang na ang NCR (National Capital Region), Region 3, Region 4A, Region 7, and Region 6,” sabi ni Banac sa isang press briefing.

“‘Yan ang mga identified na lugar kung saan patuloy pa rin tayong nakakasabat ng mga ilegal droga, meaning nariyan pa rin ang supply at ‘yung presensya ng high-value targets ay nariyan pa rin,” dagdag pa ni Banac.

Nagkakahalaga ang mga body camera ng P334 milyon.

Idinagdag ni Banac na inatasan ni Pangulong duterte ang PNP na madaliin ang pagbili ng mga body camer para magamit sa operasyon ng mga pulis.

“Pinapamadali na ito ng Pangulo. Binigyan tayo ng taning na December 10 na tapusin ang procurement na ito upang magamit na agad ang body cameras sa anti-drug operations,” ayon pa kay Banac.

Read more...