NASAWI ang isang batang lalaki nang maatrasan ng jeepney, sa Sariaya, Quezon, Linggo ng hapon.
Itinakbo pa sa pagamutan si Raiven Tristan Alano, 6, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.
Naganap ang insidente dakong ala-1, sa barangay road na nasa Sitio Paradahan, Brgy. Manggalang Bantilan.
Nagmamaniobra paatras ang jeepney driver na si Herminio Peral, 56, nang masalpok ang bata, na noo’y nakatayo sa kalsada, ayon sa pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending