BAKIT binansagang “Best Miss Universe Ever” ng netizens si 2018 Miss Universe Catriona Gray?
Yan ay dahil sa patuloy na pakikipaglaban para sa kanyang mga adbokasiya sa buhay kabilang na ang pagtatanggol at pagsuporta sa mga taong nababalewala sa community o society dahil sa kanilang mga kapansanan o kakulangan bilang tao.
Bukod sa paglilibot sa iba’t ibang bahagi ng mundo para ibandera ang kanyang advocacy kontra cyber bullying at pagsusulong ng women empowerment at education for all, patuloy din si Catriona sa pagsuporta sa pagpapalaganap sa good vibes at positivity sa buong universe.
Recently, the reigning Miss Universe once again showed her active involvement sa pagtulong sa mga taong may intellectual and developmental disabilities (IDD).
Sa kanyang Instagram post, muling kinatok ng Pinay beauty queen ang puso ng madlang pipol para tumulong sa pagkalap ng pondo para matugunan ang panga-ngailangan ng mga taong may IDD.
Bukod dito, ibinandera rin ng dalaga ang panawagan para sa “inclusion” ng differently abled persons sa society, “E-veryone deserves inclusion and empowerment, particularly those with intellectual and developmental disabilities.
“So happy to be in Miami, Florida to support @bestbuddies. To learn more, support and donate visit bestbuddies.org. Inclusion for all,” caption ni Catriona sa kanyang IG photo kung saan may kayakap siyang lalaki na may IDD.
Ang tinutukoy niyang Best Buddies ay ang tinaguriang largest organization sa buong mundo dedicated to ending the social, physical, and economic isolation of people with IDD.
Nagpunta kamakailan si Catriona Miami, Florida para suportahan ang Fundraiser Friendship Walk event ng Best Buddies. Sa darating na Disyembre, ililipat na niya ang kanyang korona at trono sa bagong tatanghaling Miss Universe.