Kilalang aktor patay na patay kay aktres kaya kinuhang leading lady, pero…

AWARE kaya ang isang magandang aktres na patay na patay sa kanya ang kanyang co-actor sa isang action film?

At kaya pala siya ang ki-nuhang leading lady sa pelikula ng nasabing aktor ay dahil gusto nitong magkalapit sila at mas makilala pa ang isa’t isa.

Kilalang mabait at palakaibigan ang magandang aktres sa mga kasamahan niyang lalaki bagay na nami-misinterpret na ito ng iba at ng mismong aktor na gustung-gusto ang dalaga na feeling niya ay gusto rin siya.

Base sa pagkakaalam namin ay nagkakalabuan na ang magandang aktres at ang boyfriend nito, pero inamin sa amin ng dalaga na pahinga muna ang puso niya dahil gusto niyang mag-concentrate sa career niya.

If ever na maramdaman niyang gusto na niya uling magka-boyfriend ay gusto niyang balikan ang kanyang ex dahil nga sobrang perfect ang relasyon nila noon at wala siyang masasabing masama sa sobrang kabaitan ng guy.

Kaya ang tanong, paano na ang aktor na katrabaho ng magandang aktres na feeling nito ay mapapasagot siya dahil nga trying namang magpa-impress. Talagang ipinararamdam nito sa aktres ang espesyal niyang pagtingin.

“Parang hindi naman type ni ____ (magandang actress) si _____ (katrabahong aktor)? Kasi ang type niya, hindi macho at hindi yung maraming muscle,” sabi pa ng aming source.

Read more...