Duterte sinibak na si Robredo bilang drug czar

SINIBAK na ni Pangulong Duterte si Vice President Leni Robredo bilang drug czar.

Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang desisyon ni Duterte na bawiin ang posisyon ni Robredo bilang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Matatandaang dalawang linggo pa lamang naitatalaga ni Duterte si Robredo bilang co-chair ng ICAD.

Nauna nang sinabi ni Duterte na wala siyang tiwala kay Robredo.

Read more...