Horoscope, Nov. 25, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Sa panahong sagana, wag kalimutang tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakakatulong sa iyo, upang magpatuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Sa lovelife, yayaing lagi ang kasuyo sa mga gawaing magpapalakas ng libido at pananampalataya. Markahan ang 7, 15, 22, 32, 39 at 45. Maroon at beige ang buenas. Suwerte sa initial na T. at C.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa lovelife, kahit na mahilig kumontra ang kapareha, hindi mo siya dapat itsapuwera. Sa pinansiyal, mag-combine force kayo ng kasuyo upang masimulan ang negosyong may kaugnayan sa pagkain at sa produktong pampasko. Markahan ang 5, 18, 23, 34, 38 at 43. Violet at purple ang buenas. Suwerte sa initial na R. at I.
Taurus – (April 20-May 20)—Arugain ang mga taong lagi mong nakakasama sa ngayon pagdating ng araw sila rin ang tutulong sayo. Sa pinansyal, kung nagigipit, wag mahiyang lumapit sa isang Virgo. Sa lovelife,, isang naka-white na kakilala ang lihim na nagkakagusto sa iyo. Markahan ang 9, 18, 25, 35, 46 at 49. Pink at red ang buenas. Suwerte sa initial na M. at P.
Gemini – (May 21-June 21)—Iwasang masira ang araw, umiwas sa pakikipagtalo. Kahit hindi mo gusto ang suwestsyon ng kasuyong umoo ka na lang ng umoo. Sa pinansyal, hihina ang kita kung natatakot at nagdadalawang isip ka. Kailangang mabuo ang iyong loob upang tumabo ng malaking halaga. Markahan ang 3, 9, 27, 25, 34, at 46. Maroon at lilac ang buenas. Suwerte sa initial na D. at S.
Cancer – (June 22- July 22)—Maglaan ng budget para sa pagbabakasyon. Masarap gumimick ngayong kapaskuhan. Sa pag-ibig bitbitin ang kasuyo sa pamamasyal. Markahan ang 3, 9, 18, 27, 34, at 48. Blue at pink ang buenas. Suwerte sa initial na T. at V.
Leo – (July 23 – August 22)—Ito ang araw na lalakas ang iyong magnetismo. Kaya naman ikaw ay magtataka kung bakit kusang lumalapit sa iyo ang mga taong dating may tampo at may alinlangan sa iyong kakayahan. Hindi lang mga tao ang mamamagnet mo, mahihigop mo rin ang malalaking suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Markahan ang 7, 18, 29, 39, 40 at 49. Blue at pink ang buenas. Suwerte sa initial na M. at C.
Virgo – (August 23 – September 22)—Habang sagana, umpisahan ng mag-ipon at magpundar. Hindi paramihan ng pera o suweldo ang labanan, kundi paramihan ng ipon. Sa lovelife, kung sino ang maraming pera, siya ang higit na mas magiging maligaya. Markahan ang 6, 17, 23, 25, 34, at 46. Red at beige ang buenas. Suwerte sa initial na F. at T.
Libra – (September 23-October 23)— Ang hina ng loob ang hadlang kaya hindi ka umunlad. Sa lovelife, alisin ang pagiging mahiyain upang ikaw ay lumigaya. Para makuha ang nais laging sabihin sa sarili: “Matapang Ako.” Markahan ang 2, 7, 24, 34, 44, at 47. Red at green ang buenas. Suwerte sa initial na D. at N.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Walang mangyayari sa buhay kung maghihintay ng suwerte. Hard work ang kailangan. Itago ang lahat ng malilikom na pera, palaguin ito at gamitin sa negosyong may kauganan sa produktong butil. Markahan ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Green at yellow ang buenas. Suwerte sa initial na M. at D.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Mamayang gabi, sa harap ng altar magsindi ng kadilang pula, yayain ang kasuyo na magdasal. Sa ganyang paraan, maraming grasya ang darating at lalo pang mas maging maligaya at titibay ang inyong relasyon. Markahan ang 1, 19, 22, 36, 40 at 49. Bukod sa red buenas ang lilac. Suwerte sa initial na R. at G.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Kailangan ang dagdag na pahinga upang magbalik ang sigla. Umuwi muna sa probinsiyang sinilangan upang makapagg-relaks. Sa lovelife, laging isama ang kasuyo, saan man magpunta. Markahan ang 5, 16, 25, 34, 40, at 49. Green at orange ang buenas. Suwerte sa initial na M. at P.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Iwasang gumawa ng mali na maaaring pagsisihan habang buhay! Hindi madadaan sa pandaraya ang mga bagay-bagay. Sa lovelife, wag dayain ang kasuyo upang bumuti na ang iyong love life. . Markahan ang 2, 7, 19, 29, 37, at 48. Maroon at green ang buenas. Suwerte sa initial na L. at D.
Pisces – (February 19 – March 20)—Ingatan ang natitirang salapi! Wag kang gastos ng gastos ng walang kabuluhan. Itagong mahigpit ang 13th month pay at bonus upang hindi matiktikan ng mga mangungutang. Markahan ang 1, 10, 28, 34, 40 at 47. Yellow at lilac ang buenas. Suwerte sa initial na I. at P.

Read more...