Duterte nag-sorry kay Robredo

NAG-SORRY si Pangulong Duterte kay Vice President Leni Robredo matapos ang naunang pahayag laban sa huli dahil umano sa pag-imbita sa prosecutor mula Sa United Nations (UN) kaugnay ng kampanya ng gobyerno kontra droga.

Sa isang panayam ng ABS-CBN sa Davao City, inamin ni Duterte na fake news ang alegasyon laban kay Robredo.

“That must have been the false news, if i believed in false news  it is still news and you only learn it is false after it has come up,” sabi ni Duterte.

“News iyan, so if she says that’s false news ako I believe her  and I am sorry because I said you only realize that it is false news when the news comes out.  And you hear it and you talk about it, you react to it, that is the problem,” ayon pa kay Duterte.

Iginiit naman ni Duterte na imposibleng magtiwala siya kay Robredo dahil sa pagiging miyembro nito ng oposisyon.

“There can never be a trust that can be nurtured between the two of us for the simple reason that Leni Robredo is with the opposition, ako andito sa kabila,” ayon pa kay Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na asahan na ni Robredo ang pagiging marumi ng politika sa bansa.

“Ito magprangka- prangka nalang Leni hindi to magkapartido, alam ko balang araw you know public office is… let me characterize everything public office is a very honorable thing but politics, everywhere is always dirty…”ayon pa kay Duterte.

Read more...