KPop Idol 2019 rarampa na; gayuma vendor nabiktima nina Boobay at Tekla sa ‘TBATS’

BOOBAY AT SUPER TEKLA

K-POP addict ka ba? Umiikot ba ang  buhay mo ngayon sa panonood ng mga Korean drama at pelikula?

Kung yes ang inyong sagot, siguradong magugustuhan at mae-enjoy n’yo ang isa na namang espesyal na episode ng The Boobay And Tekla Show as it goes K-Pop this Sunday night.

Tutukan ang first ever search for KPop Idol 2019 sa TBATS kasama sina Super Tekla at Boobay. Three K-Pop Idol wannabes will battle it out in three rounds of intense but super fun competition: ang Casual Interview (Personality); Talent, at Intelligence (Question and Answer).

Ibabandera rin ng mga finalists ang kayang K-Pop movies sa pamamagitan ng kanilang livewire performance as they dance to massive hits from today’s hottest K-Pop artists, kabilang na ang EXO, BLACK PINK at BTS.

Ang tatanghaling K-Pop Idol 2019 ay magwawagi ng KPop-inspired set of prizes.

Samantala, sa laging trending na hidden camera segment ng TBATS, ang “Pranking in Tandem,” makikipagkuntsaba sina Boobay at Tekla sa isang guest comedienne mula sa Kapuso sitcom na Pepito Manaloto. Tiyak na hindi n’yo kakayanin ang pambibiktima nila sa isang nagtitinda ng gayuma sa Quiapo.

Lahat ng ‘yan at iba pang pasabog na paandar mapapanood ngayong Linggo ng gabi sa The Boobay And Tekla Show right after Kapuso Mo, Jessica Soho.

Read more...