Ate Gay sa Team Vice: Asan na ang hustisya, jusko patawarin mo sila

KINAMPIHAN ng mga netizens ang stand-up comedian na si Ate Gay matapos maglabas ng sama ng loob kay Vice Ganda at sa It’s Showtime.

Umalma kasi si Ate Gay sa naging pahayag ni Vice tungkol sa dahilan ng pagkakatanggal niya sa Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions.

May nagparating daw sa kanya ng mga pinagsasabi ng Unkabogable Star sa isang contestant ng Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak kung saan biniro pa nitong kamukha raw siya ni Ate Gay.

Sabi ni Vice sa nasabing contestant, “Totoo ba na masama ang loob mo dahil hindi ka naisalang sa celebrity edition, Ate Gay?”  Dugtong pa niya tungkol sa isyu ni Ate Gay, “Kasi ang dami mo raw kasing chika sa Facebook.” Sabay sabi sa TNT contestant na, “Hindi po kayo yun? Kahawig lang, oo.”

Sa kanyang Facebook at Instagram account, idinan ni Ate Gay (Gil Morales sa tunay na buhay) ang kanyang saloobin sa issue. “Huwag po ako .. TAO ako .. yung ginawa sa akin ng TNT di makaTAO…” caption niya sa kanyang IG post.

“Hindi ko napanuod ang showtime kahapon pero marami nag pm sa akin na kaya di daw ako nakapagTNT dahil madami ako hanash sa FB patama ito sa kamukha ko sa tnt.

“Naghanash lang naman ako nung nalaman ko na ni ho ni ha wala ako sched after ng interview pictorial at band rehearsal (tama ba yun at matino ba matatawag yan),” aniya pa.

Ipinost din ni Ate Gay ang mga litrato kung saan makikitang nakasama pa siya sa pictorial ng mga TNT celebrity contestants.

Dagdag pa niyang mensahe, “Bago ako magpost nagpapaalam pa ako sa manager ko at sya kasi ang kausap ng showtime at hindi ako.

“Sensya na po pero makapangyarihan kasi mga binibitawang salita sa telebisyon at eto lang ang sandata ko para maipagtanggol ko sarili ko..

“Last na ito bout showtime nagpapasalamat pa rin ako kasi name mention name ko.  lab u all.”

Pero sa comments’ section ng FB post ng gay comedian, may isang netizen ang nagsabing huwag nang pansinin ni Ate Gay si Vice at kalimutan na lang ang issue.

Sagot naman sa kanya ng stand up comedian, “Napakabastos nila pano nila nasasabing panay ang reklamo ko sa fb o social media eh sila naman may kagagawan like pinaasa nila ako pinagod pinuyat.

“Na isang simpleng sori o sensya na ay ok lang naman sa akin…kaya lang salungat pinagsasabi sa tv…asan na ang hustisya? Jusko po patawarin mo po sila. Haaaaay,” aniya pa.

Maraming netizens ang kumampi kay Ate Gay pero isa sa kanyang Instagram follower ang nag-comment na mali ang balitang nakarating sa kanya.

Sabi ni @itsmearth24, “@ategay08 i do like you pero mali ang nakarating sayo tinanong lang si contestant kung masama raw ba talaga ang loob mo kasi di ka naisalang sa celebrity editon bilang pinalalagay na kamukha mo si contestant kasi nga daw ang dami mo hanas sa fb.

“Mali naman yung nakuha mong info na kaya ka di sinalangn is dahil maraming hanas sa fb napanood ko sya at kahit balikan pa sya sa online sa youtube. Just to be fair lang.

“Although im with you sa di nila pagbibigay ng rason kung bakit di ka nila sinlang kasi isa din ako nag hihintay sa performance mo pero tapos na yun eh move on na lang tayo. still like you ate gay.”

q

Read more...