Regine, Sarah biritan showdown sa Valentine 2020

Na-excite ang madlang pipol sa big announcement ng VIVA Artist Agency kahapon! Ito ang pagsasama sa Valentine concert next year ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Yes, magsasanib-pwersa nga sa 2020 ang dalawang OPM icon para sa two-night Valentine concert.

Sa Instagram post ng VIVA, kinumpirma ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng pinagsamang litrato ng Songbird at ng Popstar Royalty. Ito ang unang beses na magsasama sila sa isang major concert.

q q q

Tuloy ang selebrasyon ng 20th anniversary ng I-Witness ngayong Sabado kasama ang host at award-winning journalist na si Sandra Aguinaldo na umaming napakarami niyang natutunang valuable lessons in life nang dahil sa programa.

“Journalism graduate ako so ang training ko, detached ako, may wall dyan tapos umiiyak na ang case study ko pero detached pa rin ako. Pero for I-Witness, it will change you kasi as a human being may connection ka sa case study mo,” ani Sandra.

Having been exposed to these case studies allowed her as well to realize that her role as a journalist does not end the moment the story airs on TV, “Parang ako mismo, ito lang ba ang gagawin ko? I’ll just be the storyteller? Kaya ako din on my own, as much as I could, I try to also help or be the bridge of that person.”

At sa ika-20 anibersaryo ng show, babalikan ni Sandra ang mga estudyanteng nai-feature nila na nagpaiyak at nagbigay ng inspirasyon sa manonood. Ano na kaya ang buhay nila ngayon?
Tutukan ‘yan sa I-Witness’ special 20th anniversary episode tonight after Studio 7.

Read more...