LIMANG taon na pinag-ipunan ni Matteo Guidicelli ang engagement ring na ibinigay niya kay Sarah Geronimo.
Ayon ito sa Instagram post ng dati niyang road manager na si Jerry Telan.
Taong 2014 nang mag-ipon si Matt para sa nasabing singsing. Kaya naman todo hiling siya ng mga trabaho sa road manager noon.
That time, nasa Star Magic pa ang boyfie ni Sarah na lumipat na nga sa Viva Artists Agency a few months ago.
Caption ni Jerry sa picture ng soon to be husband and wife, “So happy for Matty. Flexing his perseverance (na) 5 years in the making engagement proposal.”
Aba, milyon tiyak ang halaga ng engagement ring na ibinigay ni Matteo kay Sarah, huh! Ang tanong, gaano naman kaya kabongga ang wedding na ibibigay ng aktor sa kanyang future wife? At ilang taon naman niyang pag-iipunan ito?
q q q
K-Pop ang drama ngayong Sunday ng The Boobay And Tekla Show (TBATS).
Tatlong K-pop wannabes ang maglalaban para sa titulong K-Pop Idol 2019. Sasailalim sila sa casual interview (Personality), Talent at Intelligence (Question & Answer).
Magpapakitang-gilas din sila sa pagsasayaw sa hits ng K-Pop artists na EXO, BlackPink at BTS. Sa “Pranking in Tandem,” makakasama nina Boobay at Super Tekla ang ilan sa mga komedyante ng Kapuso sitcom na Pepito Manaloto para mambiktima ng gayuma vendor sa Quiapo.