Motor sumalpok sa trak: 2 patay

DALAWANG lalaki ang nasawi nang sumalpok ang sinakyan nilang motorsiklo sa isang nakaparadang trailer truck sa General Trias City, Cavite, Huwebes ng gabi.

Dead on arrival sa ospital ang driver ng motor na si Jeremy Lamsen, 25-anyos, residente ng Muntinlupa City, at ang kanyang di pa kilalang angkas, ayon sa ulat ng Cavite provincial police.

Nagtamo ang dalawa ng matinding pinsala sa ulo’t katawan.

Naganap ang insidente dakong alas-7:30, sa bahagi ng C.M. Delos Reyes ave. na sakop ng Brgy. Javalera.

Minamaneho ni Lamsen ang motor patungo sa direksyon ng Brgy. Manggahan nang sumalpok ito sa trailer truck (NBJ-9979), na ipinarada ni Veto Baldemor sa outer lane, ayon sa pulisya.

Nasa kostudiya ng lokal na pulisya si Baldemor para sa karagdagang imbestigasyon at posibleng pagsasmpa ng kasong reckless imprudence resulting in two counts of homicide.

Read more...