Rex Gatchalian: Upgraded service sa Valenzuelano

Si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian kasama ang ilang senior citizens.

NAILATAG ng kanyang kapatid na si Sen. Sherwin Gatchalian ang mga pangunahing pangangailangan ng Valenzuela noong ito ang mayor ng lungsod, kaya ang ginagawa ngayon ni Mayor Rex Gatchalian ay iangat to the next level ang estado ng Valenzuela.

At hindi naman nagkamali ang kasalukuyang administrasyon ni Rex dahil sa kabi-kabilang upgraded services na ibinibigay ng lokal na pamahlaan sa mga constituents nito.

Sa panayam ng Bandera kay Rex, sinabi nito na maraming nailatag na “basics” nang maupo ang kapatid bilang alkalde.

“So it took him time to build the basic. Siguraduhin mo na yung basura makokolekta, siguraduhin mo yung mga bata hindi nag-aaral sa ilalim ng puno dahil walang classroom.

“By the time na nakaupo na ako, nandon na ang basics. Kaya hindi naman pwede na basic pa rin ang gagawin ko. Tumataas ang mga pangangailangan at aspirasyon ng tao, kaya dapat upgraded na serbisyo ang gagawin mo,” ayon kay Rex.

Upgraded education
Isa sa maipagmamalaki ng kanyang administrasyon ay hindi napokus lang sa pagpapatayo ng classroom kundi maiangat ang antas ng edukasyon sa lungsod.

“Hindi pwedeng puro classroom lang, we have to comeup with upgraded facilities. That’s why we come up with our Math and Science high school, which is probably still by far the most advanced and the most sophisticated math and science school there is,” ayon sa alklade.

Pero di naman daw pahuhuli ang mga public school sa mga pribadong eskwelahan na meron sa ibang lungsod.

Nakapagtayo na rin ang Valenzuela ng special education intervention center “that is run purelyby public funds but being run and designed like a private SPED intervention center.”

Ang ultimate goal anya ng kanyang administrasyon ay “dapat walang maiiwan” pagdating sa edukasyon kaya binigyan din niya ng prayoridad ang mga batang may special needs.

“Yung mga bata naman na may espesyal na pangangailangan hindi naman pwedeng nasa bahay lang sila. That’s why we came up with our intervention center para nakaka-intervene kami sa mga behavioral issues nila at maibalik sila sa mainstream na mga paaralan.”

Literacy programs
Apat sa bawat 10 bata sa Pilipinas ang nakababasa ng angkop sa kanilang edad kaya tinutukan ni Rex ang pagpa-pataas ng average na ito sa lungsod.

Nagsasagawa ang city hall ng reading camp na tumatagal ng 20 araw para matuto ang mga napag-iiwanang bata pagdating sa pagbabasa.

“So for the past six years we’ve been doing summer reading camp wherein for 20 days after summer yung mga frustrated readers namin pi-nababalik namin para sa summer reading camp, half day yun parang sa private school its an intervention. We give them libreng meryenda and we make reading fun.” anya pa.
Ang mga bata na nakakakompleto ng 20 araw ay binibigyan ng P300 gift certificate ng isang fast food upang mag-celebrate kasama ang mga magulang.

“Ang point ko learning how to read is a family celebration dapat. Of course you can’t end illiteracy overnight so after six years we found out we did our last assessment that in Valenzuela we are already doing seven out of 10; seven out of 10 children in Valenzuela are independent readers so that’s something to be happy about.”

Healthier Valenzuelano
Ang mga barangay health center sa lungsod ay lumebel up na rin base sa minimum standard ng Department of Health at World Health Organization.

“Hindi na lang yung masabi lang may health station kundi lahat ng health station namin parang McDonalds, magkakamukha, pare-parehas ang serbisyo, pare-parehas ang pasilidad. Makikita mo na may similarities sya kasi they are all compliant with the minimum standard set forth by health organizations.”

Housing for all
Ipinagpatuloy rin ni Mayor Rex ang disiplina village na isang in-city relocation na sinimulan ng kanyang kapatid.

“They are more integrated ibig sabihin mas kompleto yung mga pasilidad at parang town shift na sya, may sariling mga paaralan, may sariling mga palaruan, may sariling palengke, may sariling transport hub, it’s a self contained community.”

Poverty alleviation
Isang malaking hamon sa alkalde na tapusin ang problema ng kahirapan.

“The cycle of poverty has to end. Yung kahirapan dun naman nagsisimula lahat palagay ko eh and hindi man natin makita yung solusyon sa isang henerasyon but kailangan tinatanim na natin ngayon yung mga bagay na makakapigil sa cycle na ‘yun,” ani Rex.

Kaya ngayon pa lang ay kailangan ng makapagbigay ang lungsod ng edukasyon na de kalidad “para hindi man yung mga magulang nila ang maiahon natin pero yung mga anak nila maiahon natin sa kahirapan.”

Read more...