MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Last June ay inoperahan ako sa National Kidney Institute at tinanggal ang isa kong kindney. Kamakailan lamang po ay lumabas ang resulta ng aking biopsy. Sabi ng doktor ay cancer daw kaya kinakailangan ko raw mag-undergo ng chemotherapy .
Ang sabi po ng mga nakakausap ko ay mahirap talaga ang magpa- chemo ngunit kailangan kung lakasan ang loob ko para gumaling . Ang sabi ng dokctor ay paiinumin daw muna ako ng gamot sa chemo pero kung sakaling hindi makuha ay ‘yung regular process na ng chemo ang gagawin sa akin .
Tanong ko lang po sa Philhealth, kung covered po ba nila ang gamot na iinumin sa chemo or regular chemo. Ako po ay sponsored PhilHealth member. Sana po ay masagot ninyo ang aking katanungan. Salamat po.
G./Bb. Jenny Aguilar,
REPLY: Pagbati mula sa PhilHealth!
Ito po ay bilang pagtugon sa inyong mensahe.
Nais po naming ipabatid na kung kayo ay isang aktibong sponsored PhilHealth member, maaari kang makatanggap ng benepisyo para sa regular na proseso ng chemotherapy na dapat isagawa sa isang PhilHealth accredited na pampublikong ospital upang-ma-avail ang NBB (No Balance Billing), kung saan wala nang kailangang bayaran ang naturang miyembro.
Nawa’y nasagot po namin ng inyong katanungan.
Lubos na gumagalang,
CORPORATE ACTION CENTER
Hotline: (02) 8441-7442
Text Hotline: 0917-8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: actioncenter@philhealth.gov.ph
FB: https://www.facebook.com/PhilHealthofficial/
Twitter: https://twitter.com/teamphilhealth
Youtube: www.youtube.com/teamphilhealth
fms
1549439075296
Philippine Health Insurance Corporation
Welcome to the PhilHealth website! We are happy that you took time to browse over our web pages to check on the latest developments pertaining to your social health insurance coverage.
philhealth.gov.ph
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.