Bea naka-move on na kay Gerald: Tapos na ako doon, ok na ako!

BEA ALONZO

“OKAY na ako!” ‘Yan ang matapang na rebelasyon ni Bea Alonzo tungkol sa kontrobersiyal na paghihiwalay nila ni Gerald Anderson.

Nagsalita ang Kapamilya actress sa ginanap na mediacon ng latest movie niyang “Unbreakable” kung saan makakasama nina siya Angelica Panganiban at Richard Gutierrez under Star Cinema.

Kahit na sinabihan na ang members ng entertainment media na dumalo sa presscon pinaalalahanan ang entertainment writers na iwasan muna ang mga tanong tungkol sa personal na buhay ng mga bidang artista sa pelikula.

Pero sa kabila nito, may nakalusot pa rin at nausisa nga ang tungkol sa pinag-usapang break-up nila ni Gerald. Diretso naman itong sinagot ng aktres.

“Tapos na ako doon, okey na ako. Saka sobrang dami ng blessings na dumating. Parang nag-360 (degrees turn).
“Ang daming dapat kong ipagpasalamat. Na-realize ko, ang dami palang mas importante sa buhay ko, hindi lang dyowa,” chika pa ni Bea.

Natanong din kung may kapalit na ang ex-boyfriend sa kanyang puso, ito naman ang sagot ni Bea, “Wala pa naman po. Parang magpapahinga muna ako. Parang hindi ko pa kaya.”

Ayon pa sa dalaga, hindi naman kailangan ng isang babae ang boyfriend para ipakitang naka-move on na siya matapos masawi sa pag-ibig.

Read more...