SINUNGKIT ng Ateneo Blue Eagles ang kanilang ikatlong sunod na kampeonato matapos patumbahin ang University of Sto.Tomas Tigers, 86-79, sa Game 2 ng UAAP Season 82 men’s basketball finals Miyerkules ng gabi sa Mall of Asia Arena.
Tinapos ng Katipunan-based dribblers ang kampanya nang walang talo para sa kanilang 11th overall title at maging kauna-unahang koponan sa kasaysayan ng liga na nakakumpleto ng 16-0 sweep.
Winalis ng Blue Eagles ang elimination round taglay ang 14-0 record para sa automatic finals seat bago dinismaya ang Tigers nang dalawang sunod na beses sa best-of-three championship match.
MOST READ
LATEST STORIES