Bong tuloy ang fantaserye sa GMA 7; ikinumpara kay Maria Magdalena


NANGUNGUNA siyempre si Lolit Solis sa pagtatanggol kay Bong Revilla—next to his immediate family—laban sa lantarang pagbatikos ni Jim Paredes laban sa senador na nakatakdang bumida sa isang pambatang fantasy drama series sa GMA.

Katwiran ng dating miyembro ng disbanded nang APO Hiking Society, maganda raw bang huwaran ng mga paslit ang kinaharap na kasong pandarambong ni Bong kasabay ng paninita nito sa istasyon which “should know better than this”?

Ang kay Lolit, wala itong inilayo sa kuwento ng makasalanang si Mary Magdalene na noong akmang pauulanan na ng mga bato bilang babaeng nagbebenta ng aliw ay sinangga ni Hesus, sabay sabing “Let who has no sin cast the first stone.”

Nakalimutan na raw ba ni Jim ang sex video scandal na mismong tinampukan niya, na mas babagay pa kung ginawa ng isang tinedyer na lalaki? Sana man lang daw kung walang isyung maibubutas sa singer.

In a way ay may point si Lolit, however, drawing an invalid, unacceptable analogy between Bong’s and Jim’s separate headline-hogging issues.

Kapabayaan o pagiging burara ang kay Jim whose video scandal got uploaded when he could have flushed it down the john yaman din lang na nasa kubeta siya noong gawin niya ‘yon. Yes, it did stink pero walang pinerhuwisyong tao except Jim’s family who had to equally suffer from embarrassment.

Ibang-iba ito, kundi man beyond comparison, sa kaso ni Bong kahit sabihin pang he was cleared of plunder charges. Teka, totally na nga bang wala?

In a way ay naiintindihan namin ang pagiging aligaga ng GMA in getting Bong’s services anew. Bago ito nakulong, his last program was Kap’s Amazing Stories where Bong did nothing but doing intro and extro spiels sa bawat ipini-feature nitong segment kada episode.

Bago pa man pumutok ang fantasy drama series na inaalmahan ni Jim, there were previous talk about Bong’s guest appearance in Alden Richard’s The Gift, na pinalagan din ng netizens.

Mas nabulabog nga lang ang publiko sa fantasy drama most especially that the series caters to kids as its captive audience. This is where Jim and the rest—including US—are coming from.

Wala namang problema, kung tutuusin, kung iba ang market. But not the kids in whose minds we should instill values para makalakihan nila’t maituro rin sa kanilang mga magiging anak.

Huwag din sana na ang nakakubling layunin ng GMA ay gawing isang bayani o super hero ang sinumang bibida sa serye, nang hindi maa-associate o maikukunek ang nakaraan nito sa totoong buhay na hindi dapat pamarisan, worse, tangkilikin as though it’s a noble act worthy of emulation.

GMA, as far as we all know, has no such reputation. Its programs uphold values kung paanong iniaangat nito ang kalidad ng kanilang mga panoorin.

Read more...