Nadine, Maine best actress para kay Atty. Topacio


ABA, hindi tungkol sa batas o pulitika ang laman ng librong ipa-publish ni Atty. Ferdie Topacio. Ang nilalaman nito ay reviews ng mga pelikulang napanood niya.

Kahit abala sa pagiging lawyer ng mga kilalang showbiz personalities, pambalanse ng magaling na abogado sa kanyang buhay ang panonood ng pelikula.

Napanood ni Atty. Ferdie ang “Never Not Love You” nina Nadine Lustre at James Reid.

“Si Nadine ang masasabi kong best actress in her generation. Ang galing niya sa movie at kakaiba ang atake niya,” saad ni Atty. Ferdie.

Pati ang “Isa Pa With Feelngs” ay napanood din niya. Comment niya, “Aktres siya roon at hindi ‘yung Maine Mendoza na napapanood sa Eat Bulaga. Talagang napiga siya ng director.”

Naging kontrobersiyal ang lawyer nang kunin siyang abogado ni Claudine Barretto sa laban nito laban sa kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.

“Hindi kami talaga close. Nagsimula ‘yon nang kunin niya akong abogado sa kaso niya laban kay Raymart,” katwiran niya.

Magsisilbing birthday gift ni Atty. Ferdie ang ginawa niyang libro sa mga humahanga sa kanya. Sa 54th birthday celebration niya, palung-palo ang temang “Playboy” sa kanyang guests.

Read more...