#Spoiled: Alden niregaluhan ng rocking chair si Jo Berry para magamit sa taping


PINASALUBUNGAN ni Alden Richards si Jo Berry ng foldable rocking chair pagbalik niya sa taping ng kanilang Kapuso primetime series na The Gift.

Saktung-sakto ang regalo ng Asia’s Multimedia Star sa pagiging little person ni Jo at talagang magagamit niya ito habang nagte-taping.

Hindi lang kami sure kung sa Dubai din ito nabili ni Alden kung saan siya nanggaling para sa pa-concert ng Eat Bulaga sa mga kababayan natin doon.

Nanay-nanayan ni Alden ang character ni Jo sa The Gift kaya talagang naalala niya itong regaluhan ng cute rocking chair.

Simpleng caption na, “Spoiled” ang inilagay ni Jo Berry sa kanyang Instagram photo kasama si Alden at ang pasalubong na maliit na rocking chair.

Read more...