Paolo idinaan sa joke ang paggaling ng inang na-stroke


TUWANG-TUWA si Paolo Contis sa mabilis na paggaling ng kanyang ina matapos itong ma-stroke kamakailan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Kapuso actor ng litrato nila ng inang si Jean Contis, with his brother Carlos, and daughter Summer.

Nilagyan niya ito ng caption na, “Stroke a pose. We love you, Ma! Walang mapipikon sa caption ha! Si Mama nga tawang tawa eh! Kayo pa ba!”

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Paolo tungkol sa naging sakit ng ina. Kasabay nito, bumuhos naman ang inspiring message and comments mula sa kanyang mga fans and followers, kabilang na ang ilan sa mga kaibigan niyang celebrities.

Read more...