Di libre ang konsultasyon

GUSTO ko lang pong itanong sa PhilHealth, since napirmahan na po ang Universal Health Care, kung lahat po ba ng member ng PhilHealth ay entitled na po ng free consultation sa mga accredited hospitals? At lahat po ba ng accredited hospitals ng PhilHealth ay magbibigay po ng free consultation or may selected hospitals lang po ang PhilHealth?
Pilita Bb.,

REPLY: Pagbati mula sa PhilHealth!

Ito po ay bilang pagtugon sa inyong mensahe patungkol sa free consultation sa mga accredited hospitals sa napirmahang batas o Universal Health Care.

Nais po naming ipabatid, na wala pang nababanggit patungkol sa consultation sa ilalim ng UHC.
Sa kasalukuyan ang existing policy ng PhilHealth ay patungkol sa mga consultation o deducted diagnostic exams sa mga piling health center o hospital ang susundin.

Ang dalawang programa ng PhilHealth para sa mga consultation o diagnostic exams ay Primary Care Benefits (PCB) at Expanded Primary Care Benefit (EPCB).

Ang PCB ay covered ang mga miyembro sa ilalim ng Indigent, Sponsored, Overseas Workers Program (Land-based), Organized Groups/iGroups, DepEd Personnel. Samantala ang EPCB ay para naman sa mga miyembro sa ilalim ng Formal Economy (employed), Lifetime Members, Senior Citizen.

Nawa’y natuguan namin ang inyong katanungan.

Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
CORPORATE ACTION CENTER
Hotline: (02) 8441-7442
Text Hotline: 0917-8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: actioncenter@philhealth.gov.ph
FB: https://www.facebook.com/PhilHealthofficial/
Twitter: https://twitter.com/teamphilhealth
Youtube: www.youtube.com/teamphilhealth fms

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...