Three-peat abot-kamay na ng Ateneo

ISANG panalo na lang at makukumpleto na ng Ateneo ang hangarin nitong grand slam at historic sweep ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament.

Ngunit ayaw maging kampante ng Blue Eagles lalo’t tangka ng mapanganib na University of Sto. Tomas Tigers na putulin ang paghahari ng koponang dominante sa nakalipas na tatlong taon.

Gagawin ang Game 2 ng best-of-three titular showdown tips sa ganap na 4:00 ng hapon sa Mall of Asia Arena kung saan nais ng Ateneo na tapusin ang kampanya ng walang galos matapos na dumiretso sa finals taglay ang 14-0 elimination record.

Kung mananalo ang Ateneo bukas, ito ang magiging kauna-unahang koponan na walang talo mataposang 16 laro sa loob ng mahigit walong dekada.

Ang kahandaan at lakas ng koponan ni coach Tab Baldwin sa kabila ng 16-day break ang nagpahirap sa koponan ni coach Aldin Ayo’s team sa Game 1. Pinaamo ng Blue Eagles ang Tigers noong Sabado, 91-77, kahit pa maganda ang ipinakita ng katunggali sa second quarter kung saan ang kanilang mabilis na 18-2 panimula ay bumagal.

Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Baldwin na hindi pa oras para magdiwang.

“We get to prepare for the second half, which will be in your eyes, Game 2,” sabi ni Baldwin. “That’s a lot to work on. I think UST was so persistent. You saw that. You saw how hard they keep coming at us.”

Nagpakita ng puso ang Tigers na naghahangad ng Cinderella-finish matapos malagpasan ang do-or-die games at mid-season recruitment controversy sa harap ng UST community nang lumapit sa second period, 40-38.

Ngunit nanaig pa rin ang championship pedigree ng Blue Eagles laban sa run-and-gun play ng Tigers matapos na buhatin ng mga beterano sa mga krusyal na sandali.

Halimaw si Thirdy Ravena sa series opener at kumamada ng 32 puntos maliban pa sa all-around effort na kinailangan para dalhin ang Ateneo sa pag-abot sa isa na namang kampeonato.

Humugot ng sapat na suporta ang graduating athletic swinger sa kanyang mga kakampi para sa iposte ng Ateneo ang 23-point lead at biguin si Rookie of the Year Mark Nonoy na nagbuhos ng 26 puntos.

Katuwang sina big men Ange Kouame at SJ Belangel, bantay-sarado ang shaded lane habang nalimitahan din sina gunners Renzo Subido, Rhenz Abando at CJ Cansino na umiskor ng marami mula sa perimeter.

Sinabi ni Baldwin na ang kanilang Game 1 authority ay bunga ng puspusang ensayo habang nakapahinga. Dagdag pa ng Kiwi-American mentor, inihanda rin niya physically at emotionally ang Blue Eagles para sa an all-out-war kontra UST.

Target ng Katipunan-based ang kanilang 11th overall title habang asam ng mga manlalaro mula Espana na makapuwersa ng winner-take-all Game 3.

Read more...