HUMILING ng dasal ang aktres na si Ynna Asistio matapos ma-diagnose ng pagkakaroon ng isang rare abdominal disease – ang “volvulus.”
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Ynna sa kanyang fans and followers ang malungkot na balita.
“Hello. Please pray for Ynna. Rushed her last night sa ER, mga 12 A.M. pero nakakuha kami room mga 4:30 A.M. na.
“Nagka-severe stomach ache siya. Na-CT scan na siya and na-rule out yung appendicitis, but she will have an open surgery.
“It’s a rare condition daw. Nag-swirl-swirl ang intestines niya. Please pray for her. -baba,” ang laman ng IG message ng aktres.
Pinasalamatan din niya ang mga kapatid na sina Yssa at Antonio Alexander na nagdala sa kanya sa ospital, “Thank you @thesexyyssa and @rednaxasistio for rushing me last night (sad emoji). Pray for me pls. (praying emoji).”
Sa kanyang Facebook account naman, nag-post din ng mensahe ang nanay ni Ynna na si Nadia Montenegro at kinumpirma ngang may volvulus ang anak.
“My faith is stronger than my fear! God is our healer! You will be ok baby. I love you so much!
“Pls. pray for Ynna. She was diagnosed with ‘Volvulus,’ a rare condition involving twisting of the small intestines, no medicines and only a major surgery can cure.
“I know God is watching over her. She will be transferred now via ambulance from Marikina to another hospital today for immediate surgery.
“Pls. keep her in your prayers. Thank you!” ani Nadia.
Ayon sa isang health website, ang volvulus o sigmoid volvulus ay isa ngang rare abdominal condition sanhi ng “malrotation” kung saan ang nagtu-twist ang bituka hanggang sa ma-block ang daloy ng pagkain at liquid.
Ayon pa sa nasabing health website, ang volvulus ay kailangan ng immediate treatment, at kadalasan surgery lang ang paraan para maitama ito.