Angel binigyan ng surprise b-day party si Dimples; BFF for life

ANGEL LOCSIN AT DIMPLES ROMANA

Binigyan pala ng surprise birthday celebration ni Angel Locsin ang best friend niyang si Dimples Romana.

Talagang surprise ang lahat para sa Kadenang Ginto star kaya naman tuwang-tuwa siya.

“Can’t seem to find the exact words yet to share just how grateful I am. Sabihin na lang natin, I have the best friends in the entire universe. Need to sleep a bit now because I need to wake up in an hour again for a 5 a.m. calltime for a shoot for a brand I know you all love. So many of you have been waiting for me to do this, so I finally will.”

‘Yan ang message ni Dimples. Sa kanyang Instagram account, Eilyn Yatco recalled kung paano nila nagawa ang surprise birthday celebration para kay Dimples.

“Happy happy Birthday to one of the best people I’ve known, sa isa sa pinakamasipag, pinakamabait, napakagaling, ate @dimplesromana !!! Enjoy your day po! Sobrang deserve mo lahat ng blessings & love na natatanggap mo kasi grabeeeee kaaaa. Hahaha love you ate Dimps!!! Kabadong-kabado kami na magpasecret setup sa likod kasi baka makita mo.

“Tapos nu’ng dumarating ung mga bisita mo, exterior pa po yung eksena buti na lang alam kong malabo yung mata mo at di mo sila madaling makikita sa dilim lol hahahahaha. Thank you rin po kay ate @therealangellocsin sa napakasarap na food! Nakakatuwa po friendship nyo!”

Read more...