Rocco hinikayat ang kapwa artista na mag-join sa military

ROCCO NACINO

Hinikayat ni Rocco Nacino ang mga kasamahan niya sa showbiz na mag-join na rin sa military matapos mapabilang bilang Philippine Navy reservist.

Natapos na niya ang Basic Civilian Military Training na tumagal ng tatlong buwan, “Natutuwa nga yung taga-Marines tsaka mga Navy kasi sinasabi nila na talagang pinagdaanan mo, you can talk to people kung ano yung mga pinagdaanan mo. Ano yung mga na-achieve mo, ano yung mga realizations mo.”

Kaya sa lahat ng mga kapwa niya artista at iba pang kabataan, maaari din daw makatulong sa bansa sa pamamagitan ng pagpapa-enlist sa military.

“Tulad ng patriotism, yung service na ginagawa ko para sa country, so yun na yung gusto kong ibahagi sa mga kabataan ngayon, e, na habang bata pa lang, kung kaya mong tumulong, tumulong ka. It also opened my eyes to join the Navy.

“Nagkaroon ako ng sense of patriotism like what I was mentioning earlier, na parang wow! Siyempre ‘di dapat abusuhin, siyempre ngayon representative na ako ng AFP, so humanga ako sa mga sundalo.

“Tsaka happy din yung Armed Forces of the Philippines na talagang may mga celebrities din na pumapasok din sa path na ito kasi iba rin ang power ng TV. If you can use it to inspire, not influence, pero inspire, di mo na inaabuso ang sarili mo,” sabi pa ng lead star ng 2019 MMFF entry na “Write About Love” under TBA Studios.

Read more...