Horoscope, Nov. 18, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Gawing memorable ang araw na ito. Makisama sa mga nag-aayang kaibigan. Minsan mas mahalaga pa rin ang masaya, kaysa sa maraming pera na nakatago lang at hindi napapakinabangan. Sa lovelife, yayain ang kasuyo sa isang masarap na kainan at masayang pagwawalwal. Markahan ang 7, 18, 22, 23, 40 at 47. White at lilac ang buenas. Suwerte sa initial na T. at P.
Aries – (Marso 21-April 19)— Magwawagi ang katunggali kung pababayaan lang siya. Ngayon pa lang, kumilos ka na upang magapi ang mga kalaban. Sa lovelife, gamitin ang lahat ng resources ng minamahal upang magtagumpay. Markahan ang 3, 9, 13, 28, 36, at 48. Red at yellow ang buenas. Suwerte sa initial na P. at N.
Taurus – (April 20-May 20)— Paghandaan ang paparating na Christmas. Ngayon pa lang mag-ipon na ng maraming pera para maging masaya ang Pasko. Sa lovelife, paglaanan na rin ng budget ang muli ninyong pagde-date ng kasuyo. Markahan ang 2, 13, 23, 32, 35 at 40. Green at orange ang buenas. Suwerte sa initial na R. at D.
Gemini – (May 21-June 21)—Uso ang mga mangungutang ngayon. Hindi ka mauutangan, kung lagi kang nagpapakumbaba. Imbes na ipautang ang pera kung kani-kanino na hindi naman marunong magbayad, ilaan ang salapi sa kinabusakan ng pamilya. Habang naka-concentrate ang iyong energy at panahon sa iyong pamilya, may malaking suwerete at magagandang kapalaran mahihigop. Markahan ang 3, 9, 27, 36, 45 at 49. Yellow at maroon ang buenas. Suwerte sa initial na L. at P.
Cancer – (June 22- July 22)— Hawakan ang iyong kapalaran. Hindi ka dapat umasa sa biglang suwerte. Dagdagan ang pagsisipag. Sa lovelife, puntahan na ngayon ang kasuyo, ngayon mo na rin ipadama sa kanya ang init ng iyong pag-ibig. Markahan ang 7, 16, 25, 33, 40 at 48. Red at blue ang buenas. Suwerte sa initial na A. at R.
Leo – (July 23 – August 22)— Ito ang araw na inuutusan ka ng langit upang humiling. Humiling kang kahit na ano, makikita mo pagsapit ng Disyembre, ang lahat ng hiniling mo ay isa-isa ng magkakatotoo. Sa lovelife, tuloy ang masarap at lalo pang umiinit na relasyon. Mapalad ang kulay na dilaw upang lalo pang sumigla ang aspetong pang-sexual. Markahan ang 4, 16, 25, 37, 38, at 45. Bukod sa dilaw ang orange ay buenas. Suwerte sa initial na O. at A.
Virgo – (August 23 – September 22)—Wag babagal-bagal upang hindi maubusan ng su-werte. Oo nauubos din ang suwerte kala mo. Sa pagmamadali mas maraming salapi ang kikitain. Sa lovelife, ipagkaloob na ng mabilis ang hinihingi ng kasuyo, bago pa siya magtampo. Markahan ang 9, 14, 23, 39, 40 at 43. Pink at maroon ang buenas. Suwerte sa initial na K. at R.
Libra – (September 23-October 23)— Mga ilang araw pa, kusa ng mapapa sa iyo ang malaking suwerteng hinihintay. Dahil sa tinamong magandang kapalaran, i-blow-out ang kasuyo, ibili mo siya ng ice cream. Markahan ang 6, 12, 27, 34, 41, at 49. Violet at red ang buenas. Suwerte sa initial na A. at B.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Hindi ka dapat tamarin! Habang patuloy na nagsisipag, mas mabilis na lalago ang kabuhayan. Sa lovelife, lalo pang pag-ibayuhin ang pakikipagrelasyon sa isang Cancer upang hindi mabalaho ang pagmamahalan. Markahan ang 4, 7, 21, 24, 33, at 42. Purple at magenta ang buenas. Suwerte sa initial na S. at M.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Mahirap talagang mawalay sa pamilya, su-balit kailangang tiisin upang kumita ng malaking halaga. Kung paanong lagi mo siyang naaalala, ganon din naman siya sayo. Sa muling pagkikita may napakasarap na romansa! Markahan ang 3, 6, 17, 24, 38 at 45. Pink at gold ang buenas. Suwerte sa initial na A. at E.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Marami kang gustong gawin pero wala ka pang nasisimulan. Panahon na upang maging masipag. Ituloy ang binabalak na negosyo. Sa lovelife, isosyo ang kasuyo sa kalakal may kaugnayan pagkain. Markahan ang 7, 10, 17, 28, 36, at 40. Green at black ang buenas. Suwerte sa initial na D. at R.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Ngayon na ang panahon upang magtipid. Hindi ka dapat mahirati sa luho at masarap na buhay. Ngayon pa lang paghandaan na ang kapaskuhan. Wag isiping malayo pa ang Pasko darating at darating iyan. Markahan ang 6, 18, 27, 37, 45, at 47. Red at lilac ang buenas. Suwerte sa initial na T. at Y.
Pisces – (February 19 – March 20)— Pinapanood ka ng langit, ang bawat kabutihang iyong ginagawa sa iyong kapwa ay doble-dobleng gagantihan ng nasa itaas at isa-isa mo nang aanihin ang mga biyayang ito sa darating na buwan ng Disyembre. Sa lovelife, nalulungkot ang kasuyo – ayain siyang mamasyal sa isang romantic na lugar. Markahan ang 5, 14, 27, 34, 40 at 47. Violet at blue ang buenas. Suwerte sa initial na O. at L.

READ NEXT
The blind man
Read more...