KATULAD ka ba ng iba na “ma-sa” as in masandal tulog?
Kainggit sila di ba? Pero mas nakakainggit ang mga tao na nakakatulog ng hanggang pitong oras.
At ang mga nakatutulog ng hindi bababa sa anim hanggang pitong oras ay nalalayo pa sa sakit, ayon sa VeryWellHealth.
Puso
Madalas, ang atake sa puso o stroke ay nangyayari ng umaga.
Ang kakulangan ng tulog ay iniuugnay sa pagtaas ng blood pressure at cholesterol level.
Mas maganda ang kondisyon ng puso kung ang isa tao ay mayroong pito hanggang siyam na oras na tulog kada gabi.
Kanser
Alam nyo ba na ang mga tao na gabi kung magtrabaho ay mas mataas ang tyansa na magkaroon ng breast at colon cancer?
Sa pag-aaral ng mga siyentipiko, kapag madilim natutulog ang isang tao ay nakagagawa ang katawan nito ng melatonin—ito ang hormone na nagre-regulate sa sleep-wake cycle at pinaniniwalaan na pinipigilan nito ang paglaki ng tumor.
Kaya bago matulog makabubuti kung madilim at malayo ang mga gadget na lumilikha ng liwanag para makagawa ng sapat na melatonin ang katawan.
Stress
Kapag kulang ang tulog, ang katawan ay pagod.
Kapag kulang ang tulog naka-high alert ang katawan na magpapataas ng blood pressure at dumarami ang stress hormones.
Ang pagtaas ng blood pressure ay nagpapataas ng tyansa na magkaroon ng heart attack at stroke ang isang tao.
Ang pagtaas ng stress hormone ay nagpapahirap din sa isang tao para maka-tulog.
Pamamaga
Ang pagtaas ng stress dahil sa kawalan ng tulog ay nagpapataas din ng lebel ng inflammation o pamamaga ng katawan.
Nagpapataas ito ng tyansa na magkaroon ng sakit sa puso, kanser at diabetes ang isang tao.
Ang pamamaga ay isa sa dahilan ng mas mabilis na pagtanda ng katawan.
Alert
Kapag kompleto ang tulog mas energized ang katawan.
At kapag fully charged ang isang tao mas nagagawa nito ng tama ang kanyang mga gagawin.
Memory
May mga pag-aaral na nagsasabi na ang pagtulog ay nakagaganda ng memorya. Kapag natutulog, ang katawan ay nakapagpapahinga pero hindi ibig sabihin ay nakapatay ang utak mo.
Kahit tulog ay abala ang utak sa pagproseso ng nangyari sa iyong araw. Dito pinaniniwalaang nabubuo ang mga memories.
Kapag kung kompleto ang tulog may mas oras ang utak na matandaan ang mga nangyari.
Timbang
Sa isang pag-aaral, lumalabas na ang mga tao na kulang ang tulog sa gabi ay madalas overweight o obese.
Ito ay dahil nahihirapan umano ang katawan na ibalanse ang hormone na nakakaapekto sa pagkain ng isang tao.
Idlip
Bukod sa pagtulog sa gabi, ang pag-idlip sa araw ay nakatutulong din para ma-refresh ang isang tao.
Maaari itong ipalit sa pag-inom ng kape at mas mainam pa sa katawan.
Pero may isang pag-aa-ral na nagsasabi na ang mga tao na umiidilip ng mas maikli sa isang oras ay nagkakaroon ng problema sa memorya kumpara sa mga tao na isang oras o hi-git pa ang idlip.
Depression
Nakakaapekto ang pagtulog sa paggawa ng kemikal ng katawan at kasama na dito ang serotonin.
Ang mga taong kulang ang serotonin ay madalas na mayroong depression.
Makatutulong ng malaki na makaiwas sa depression ang isang tao kung pito hanggang siyam na oras itong natutulog kapag gabi.
Repair
Sa katagalan ay nasisira ang katawan at mas mabilis ang pagkasira nito kapag kulang ang tulog.
Habang natutulog, nagre-repair ang katawan mula sa pinsalang tinamo nito mula sa stress, ultraviolet rays, at iba pang harmful exposure.
Kapag natutulog, lumilikha ang katawan ng maraming protein na siyang ginagamit nito sa pag-repair ng mga nasirang cell ng katawan.